Friday, July 26, 2013

Retail Tips : Paano Ang Tamang Pagpresyo Ng Paninda

Paano mo presyohan ang iyong mga paninda upang eto ay papatok sa bentahan at hindi ka rin nalulugi?

Sa Mundo ng Retail, o pagbenta ng tingi, mahalagang ma presyohan nang tama ang iyong mga ititinda. Kun hindi, ay maaring hindi ka rin kumita at hihina ang benta ng iyong paninda dahil mahal ang iyong presyo, o mabenta naman ngunit hindi ka naman kumukita dahil lugi ka sa iyong pag presyo.

Eto ang Tatlong paraan kung papano kumita sa wastong pag presyo ng iyong mga paninda .



01 Cost-based  pricing:  

Eto ay ang pag presyo base sa pag suma ng  capital ng tinda, lahat ng ginastos upang bilhin ang paninda at ang iyong patong o mark up upang tumubo. 

Halimbawa :

Item - - - - - - - - -  50 pcs (2500) = 50 kada piraso

Bagahe-----------  200  / 50 pcs  = 4 kada piraso

Patong (halimbawa 40 % )                  = 21 kada piraso
                                                      ____________

Ang iyong Retail Price ay                      75 kada piraso

Sa ganitong paraan, ay madali mong masuma ang iyong kita dahil alam mo kung magkano ang iyong ipinatong na tubo.
Minsan lang naging dis advantage eto kung ikaw ay may kumpetensia at mas mababa pa ang benta kesa benta mo. 
Hindi ka rin maka presyo ng pareparehong percentage ng tubo ( sa halimbawa 40% ) sa lahat ng iyong tinda dahil iba-iba din ang bilis at hina ng bilihan bawat item.   
               
  
02 Customer-based pricing

Eto ay ang pag presyo ng iyong paninda, base sa makaya ng bulsa ng iyong mamimili. Depende eto sa iyong target market at lugar . May mga lugar na maari kang magbenta nang mahal, ngunit meron din na mura lang ang makaya ng iyong mga customer.

May ilang mga estilo upang gawin eto:


           A. Skimming - eto ay ang pag presyo ng iyong paninda ng mahal dahil wala pa eto sa iyong mga kumpetensya. Ikaw ang naka una. 
Eto ay ma apply mo sa mga bagong uso. 
Handang bumili ang mga customer pag bago pa lang sa pamilihan. 
Halimbawa , base sa iyong cost based pricing na 40 % lang ay 75 lang ang iyong benta, maari mo etong maibenta ng kahit higit pa sa 100 depende sa item at handang bayaran ng customer. 
Tinatawag etong skimming dahil, sa oras na dumami na ang nagtitinda ng iyong paninda ay maari ka nang bumaba ng bumaba hanggang sa makaya mo ngunit ikaw ay nagkatubo na ng maganda sa una mong mga tinda.

          B. Loss Leaders - Eto ay iyong mga item na benebenta mo lang ng walang tubo o minsan ay lugi pa. Ang rason nito ay, upang makahatak ka ng customer sa iyong tindahan at sila ay bibili pa ng iba mong items na dito ka kumikita. Ang estilong eto ay mainam kapag bago pa lang ang iyong store at ikaw ay gustong sumikat upang dumami ang iyong mga customer. Tandaan lang na kailangan ikaw ay may premium din na mga items upang mabawi mo ang iyong nalugi sa mga items mo na loss leaders.

         C. Psychological pricing - Eto ay makikita mo palagi sa mga malls . Halimbawa 79.95  , 99.75 . 49.80 .
Maari kang magtaka kung bakit ganun at matrabaho pa sa sukli, ngunit eto ay mabisa sa mga customer na hinahanap ang value ng kanilang pera . 
Halimbawa, hindi gaanong mamalayan ng customer na isang daan na ang kanyang bibilhin kung makikita nya ang price na 99.95.Wala pang isang daan eto. Ngunit kung tutuusin ay singko sentimos na lang at etoy maging isang daan na. 
May mga customer din na alam ang estilong eto, kaya lang,, masyadong magaan sa mata ang makita mong 99.95 na presyo kesa, buong 100 PhP.


03 Competitor-based pricing: 

Dito ay pumepresyo ka base sa iyong ka kumpetensya. 
Sa retail, hindi ka maaring magmahal pa sa iyong ka kumpetensya kung pareho lang ang iyong benebenta. 
Napaka simple lang etong intindihin, hindi ka mabilhan kung mas mahal ka sa iba na may pareho din na stak. Ugaliing magmasid o kung kinakelangan ay mag espiya ka sa iyong ka kumpetensya upang mabase mo ang iyong presyo. Maari kang bumaba pa sa benta ng iyong ka kumpetensya, depende sa purpose mo, ngunit upang hindi ka masyadong malugi, mabuting tapatan mo na lang ang benta ng sa kabila, o mas mainam na ibahin mo ang iyong brand o paninda upang makapag presyo ka nang mas makatubo.

Sa makatuwid, hindi ka makabenta at makatubo ng maayos kung meron kang kumpetensya. 


Kailangan mong humanap ng naiibang tinda upang mapresyohan mo eto ng mataas at makatubo ka ng mas mataas. 

Kinakailangan din na palaging una ka sa mga uso upang makapag skimming ka, ng sa ganun ay sumikat pa ang iyong tindahan sa pagiging trend setter sa inyong lugar.

Ang pag presyo ay hindi fixed. 

Minsan kinakailangan mo rin i evalute palagi ang iyong paninda. Kung may mahina kang stak ay kailangan tanungin ang sarili mo kung bakit, upang panatiling alam mo kung ano ang kaya ng customer at mabase mo ang iyong pagpresyo sa iyong tindahan.

Kung may hindi pa kayo naiintindihan, ay maari kayong mag komento o magtanong sa comment box sa ibaba. 

Ikinagagalak kong sagutin ang anumang gusto nyong malaman tungkol sa maliit na negosyo sa abot ng aking pag unawa.



31 comments:

  1. plz help poh pano poh mag start ng gadgetz business..?at magkano ang pwd e capital nyan..thnx

    ReplyDelete
    Replies
    1. business ba hanap mo ? we are open for reseller with 0 Capital visit page http://gandjshoppe.ezystore.net/

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. sir madam.paano po ba ang tamang pagpatong ng price at ng sa vat? example bumili ako ng egg 1 try mga 175/try so bali 5.84/each.ito ang tanong paano ko sya papatungan ng price with vat per try and per egg.kasi ibibinta ko din sya as retail? so bali magiging ilan na price ng try kun nabili ko sya ng 175 plus vat at ang patong ko total?


    ReplyDelete
  4. Hello may tanong lang ako balak ko magumpisa ng negosyo na pastillas yema at polvoron..magkano kaya ang pwedeng maging puhunan? Salamat

    ReplyDelete
  5. Hi nagtitinda kami ng chocolate at bistida ano kaya ang magiging puhunan salamat

    ReplyDelete
  6. Ano Po kaya maganda negosyo sa gilid ng highway na Di kailngan ng refrigerator my talyer Po kame gusto Ko sana malibang Nanay Ko kahit papaano eh umikot pera nya

    ReplyDelete
  7. Ano Po kaya maganda negosyo sa gilid ng highway na Di kailngan ng refrigerator my talyer Po kame gusto Ko sana malibang Nanay Ko kahit papaano eh umikot pera nya

    ReplyDelete
  8. Paanu magstart sa online business na mefyo maliit angnpuhunan katulad ng clothes and beauty products samahan na din po.nating ng kung anu anu pang items. Sa pagstart ng maliit na carinderia anu po ba ang mga recipee na malasa pero mura lang ba mabebentangnpagkain.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello angelina bruininx try mo ang ePinoy. pwede kang magpost ng mga new at used na mga mabebenta doon, punta ka lang sa https://epinoy.com

      Delete
  9. Baka po may gusto sa inyong mag resell ng leche flan,best seller po namin ito, retail po niyo ay nasa P100-P120,maaari ko po itong ibigay ng P80 with minimum order of 10. Hindi po kayo mapapahiya sa customers pagdating sa lasa at quality. Within camanava area preferrably. Kung intetesado po kayo, kontakin nyo po ako via facebook,search for vhanj gabriel. Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Vhanj Gabriel, maari mong ipost ang reselling ng leche flan niyo sa ePinoy. To try just go to https://epinoy.com

      Delete
  10. Good morning po!halimbawa sa isang items 7.25 ang puhunan mag kano po ang pwede kong ipatong?

    ReplyDelete
  11. Good morning po!halimbawa sa isang items 7.25 ang puhunan mag kano po ang pwede kong ipatong?

    ReplyDelete
  12. sa mga school supplies...ilang percent lang ang dapat ipatong?


    ReplyDelete
  13. blessed day,pa advise nman,nagtitinda kc ako ng asssorted.foods like maja jelly in tub,graham ice cream in tub,bale wholesale retail po s akin,pano po ba ang tamang pagkwekwenta ng ipapatong n tubo?salamat po s kasagitan

    ReplyDelete
  14. Hi po gusto q po sana mg tau ng event organizer bisnis..cn u help me pls...tnk u

    ReplyDelete
  15. ilang pursyento ang kailangan ipatong pag ang sf ng item ay 153


    ReplyDelete
  16. ilang pursyento ang kailangan ipatong pag ang sf ng item ay 153

    ReplyDelete
  17. tama ba mag post ka ng bawal utang sa tindahan mo

    ReplyDelete
  18. Help nmn po..paano po ba magpatakbo nang hardware business kz yon capital q is nasa 700,000 na pakiramdam q parang nalulugi aq..kaka open qlng po nang tindahan q nong month nang june..salamat po sa advice

    ReplyDelete
  19. ANO PO KAya mas madaling ibenta brand new n damit or ukay ukay or plastic wre naguguluhn po kc ako

    ReplyDelete
  20. Mam,good day patulong,magnenegosyo po sana ako at naghahanap pa ako ng pwesto at ang inigosyo ko ho ay patuka san po ba ako pupunta at bibili para mas makamura ako at makabayad din ako nang renta monthly?salamat

    ReplyDelete
  21. Kung 25 pesos ang patong mo sa 50 pesos hindi 40% yan 50% po yan..

    ReplyDelete
  22. Thank you po sa pag share ngayon naunawaan ko na.. Salamat po

    ReplyDelete
  23. hi po pa help po kung magkano po dapat patong sa mgA paninda like bags, clothes, shoes po salamat po

    ReplyDelete
  24. Hello po. Magsisimula po sana ako mag re saller. Magkano po ang pwede kong ipatong sa 80 per piece or 110 per piece? Firsttime ko pong pag re saller. Thank you.

    ReplyDelete
  25. kailngan po bng ms mrmi kng mga items kumpara s kompetensya mo..??

    ReplyDelete
  26. Paano po ba Ang tamang pagpatong sa mga damit na tinitinda? Bahay Lang po kami nagtitinda at ini-online. Salamat.

    ReplyDelete