Thursday, August 1, 2013

Retail Tips: Paano Mag Stak sa Store at Magdisplay Nang Mas Mabenta

" Wala ka nang dagdag na gastos sa renta at bantay kung ikaw ay magparami pa ng iyong paninda sa iyong store . 

Mas kikita ka at madali kang makaipon ng kahit pa unti-unti . Hindi sa lahat ng oras ay mabenta ang iyong prime o flagship item. "

Sa negosyo kadalasan ay ginagamit natin ang tinatawag na niche marketing o ang pagpili lamang ng paninda sa isang segment o grupo ng mga mamimili .
Halimbawa nito pag benta ng puro tsinelas lamang , o puro damit pangbabae lamang , o puro sunglass lamang, o puro toys lamang .
Layunin nito ay upang magkaroon ng pagpakilala sa iyong tindahan at ipinapalagay mo na ikaw ay balik-balikan kung matandaan ang iyong store.
Sa principle ng pagnenegosyo eto ay tama. Ngunit hindi eto ma-aaply sa lahat ng pagkakataon .

Sa pampublikong tindahan o flea market na setting , at sa Pilipinong ugali ng pamimili, lalo na sa malilit na negosyo, minsan ay hindi eto gaanong mapagkitaan, maliban lang sa establisado at malaking mga negosyo. 

Una, dahil, halos lahat ng paninda ngayon ay may kumpetensya , at pangalawa , dahil halos lahat ng tao ngayon ay nagmamadali. 

Ibig sabihin, sa tindahan na setting, mainam na magkaroon ng niche market , ang pagtinda ng piling items na magbigay ng identity sa iyong tindahan ngunit mas kikita ka pa rin kung dagdagan mo ng ibang paninda na maari mong ilagay sa iyong store.

Saang Aspeto at Paano Magstak sa Store at Magdisplay Nang Mas Mabenta :


01 Murang Items na Idagdag sa Prime Stocks

Halimbawa ikaw ay nagbebenta nga mga imported na RTW, meron kang kontak abroad at nagpapadala sa yo . Natural na meron ka ring suki sa mga mamahalin mong paninda.
Ngunit hindi araw-araw yun, at merong pumapasok na customer na nagustuhan ang iyong mga paninda ngunit hindi talaga kaya ng kanilang bulsa.
Ang pagkakataon na pumasok sila sa iyong tindahan, ngunit hindi rin sila nakabili ay sayang.
Kung meron kang paninda na mas makaya nila ay malaki ang tsansa na ikaw ay makabenta sana.
Minsan nga, mas madalas pa ngang mabenta ang mas mura mong tinda kesa mga mahal mong items. Mabuting ikaw ay may prime items na paninda ngunit walang mawawala sa yo kung may abot kaya kang items kung magkasya rin lang sa iyong store.
Mura lang ang kapital, at madaling mabenta .

02 Prime Items na idagdag sa mumurahing stak

Eto naman ay kabaliktaran ng sa number one.
Halimbawa ikaw ay nagbebenta ng mga mumurahing sunglasses, o mga accessories. Maari kang magdagdag ng ilang mamahaling stak para kung me customer ka na gusto ng mas mahal o di kaya magpasikat sa kasama o girlfriend ay makabenta ka ng mas mahal .
Hindi kailangan mas mahal ang kapital ng item na idagdag mo. Kinakailangan lang na naiiba at pwedeng etong mapresyohan .
Kahit hindi eto gaanong mabenta, ay makabawi ka naman pag eto ay madispose na .
Tandaan mo na hindi lahat ng tao ay mura ang gustong bilhin, meron pa ngang kung anu ang pinakamahal yun pa ang gusto. 

03 Kumpletohin ang Price range sa mga patok na bilihin

Sa mga items na mabenta, ay damihan ang klase, upang marami ang pagpilian base sa presyo .
Halimbawa sa toy gun, o pellet gun , magbenta ng mula sa pinaka mura, hanggang sa pinakamahal ,upang kahit magkano ang budget ng customer ay siguradong makabili sila na walang kawala kung pellet gun din lang ang gusto. Sa ganitong pag stak, ay masiguro mo na lahat ng klase ng bugdet meron ang iyong customer ay matumbok mo .
Kontrolin lang ang stak na hindi gaano karami at malito ang customer. Sa isang item na mabenta, mga apat na pagpilian ay OK na, mula mura hanggang sa maganda na may kamahalan.
Hindi naman lahat ng paninda mo ay ganito. Gawin mo lang eto sa mga uso lang at mga mabentang mga stak

04 Magbenta ng Related Item sa iyong flagship item

Ang Flagship Item mo ay ang binabalikan ng mga tao sa iyong store. Halimbawa, cakes. Ikaw ay gumagawa ng cakes at kilala ang store mo dito . Dahil kadalasan ang cake ay binibili pag may birthday , mas mabuting meron ka na ring mga pang birthday na paninda .Magsimula ka sa mga baloons, birthday hat , loot bag, maliit na toys pang give away , o iba pang mga pang party na maisipan mo. Pag ikaw ay may tindang ganito, ang mga magpapagawa sa iyo ng cakes ay madali mong mahikayat na sa iyo na bumuli ng iba pa nilang kailangan. Kadalasan din ay tamad na ang mga taong humanap pa ng ibang mabilhan kaya mas mabuting maging one stop party shop ka na. Masimula lang muna sa mga mumurahing items hanggang sa dumami ang iyong madagdag na paninda.

05 Magdagdag ng Ibang items na maaring ding bilhin ng iyong target market

Ang target market ay ang iyong focus kung sino ang maari mong bentahan ng iyong mga paninda. Halimbawa, ikaw ay bumebenta ng mga school supplies , ang iyong target market ay mga estudyante. Dahil estudyante ang palaging pumapasok sa iyong tindahan ay bumenta ka na rin nga mga bagay na magugustuhan nila katulad ng mga accessories o abubot , mga usong trinkets na gusto ng mga maarteng estudyante.
Kung kaya ng budget mo ay magbenta ka na rin ng  mga bag o mga school uniforms nang sa ganun ay kahit wala silang pera ay malaman nilang meron ka at pag nagka budget na ay sa iyo na sila bibili.
Kahit mga gamit sa boarding haus o sa bahay ay pwede ka na ring magbenta, katulad ng sepilyo, towelette , habonera , o kahit hanger at ipit sa sampayan.

Ang ibig lamang sabihin, ay kahit ikaw ay may target market o niche market na tinatawag , ay maari ka pa ring magbenta ng iba pang mga items na sa palagay mo ay makadagdag ng iyong kita sa araw-araw , Tandaan mo lamang na ikaw ay nag nenegosyo.
Wala ka nang dagdag na gastos sa renta at bantay kung ikaw ay magparami pa ng iyong paninda sa iyong store . Mas kikita ka at madali kang makaipon ng kahit pa unti-unti . Hindi sa lahat ng oras ay mabenta ang iyong prime o flagship item.
Tandaan na sa araw-araw ikaw ay gumagastos kaya dapat makita mo eto sa kahit anong paraan.

Nakatulong ba sa iyo ang article na eto ? Mag comment o magtanong nga mga hindi mo pa naintindihan sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo . Tayoy magtulungan upang mapasimple ang mga bagay na sa araw araw ay ating kinakaharap. Simple ang buhay kung ating alam ang mga bagay-bagay.



Friday, July 26, 2013

Retail Tips : Paano Ang Tamang Pagpresyo Ng Paninda

Paano mo presyohan ang iyong mga paninda upang eto ay papatok sa bentahan at hindi ka rin nalulugi?

Sa Mundo ng Retail, o pagbenta ng tingi, mahalagang ma presyohan nang tama ang iyong mga ititinda. Kun hindi, ay maaring hindi ka rin kumita at hihina ang benta ng iyong paninda dahil mahal ang iyong presyo, o mabenta naman ngunit hindi ka naman kumukita dahil lugi ka sa iyong pag presyo.

Eto ang Tatlong paraan kung papano kumita sa wastong pag presyo ng iyong mga paninda .



01 Cost-based  pricing:  

Eto ay ang pag presyo base sa pag suma ng  capital ng tinda, lahat ng ginastos upang bilhin ang paninda at ang iyong patong o mark up upang tumubo. 

Halimbawa :

Item - - - - - - - - -  50 pcs (2500) = 50 kada piraso

Bagahe-----------  200  / 50 pcs  = 4 kada piraso

Patong (halimbawa 40 % )                  = 21 kada piraso
                                                      ____________

Ang iyong Retail Price ay                      75 kada piraso

Sa ganitong paraan, ay madali mong masuma ang iyong kita dahil alam mo kung magkano ang iyong ipinatong na tubo.
Minsan lang naging dis advantage eto kung ikaw ay may kumpetensia at mas mababa pa ang benta kesa benta mo. 
Hindi ka rin maka presyo ng pareparehong percentage ng tubo ( sa halimbawa 40% ) sa lahat ng iyong tinda dahil iba-iba din ang bilis at hina ng bilihan bawat item.   
               
  
02 Customer-based pricing

Eto ay ang pag presyo ng iyong paninda, base sa makaya ng bulsa ng iyong mamimili. Depende eto sa iyong target market at lugar . May mga lugar na maari kang magbenta nang mahal, ngunit meron din na mura lang ang makaya ng iyong mga customer.

May ilang mga estilo upang gawin eto:


           A. Skimming - eto ay ang pag presyo ng iyong paninda ng mahal dahil wala pa eto sa iyong mga kumpetensya. Ikaw ang naka una. 
Eto ay ma apply mo sa mga bagong uso. 
Handang bumili ang mga customer pag bago pa lang sa pamilihan. 
Halimbawa , base sa iyong cost based pricing na 40 % lang ay 75 lang ang iyong benta, maari mo etong maibenta ng kahit higit pa sa 100 depende sa item at handang bayaran ng customer. 
Tinatawag etong skimming dahil, sa oras na dumami na ang nagtitinda ng iyong paninda ay maari ka nang bumaba ng bumaba hanggang sa makaya mo ngunit ikaw ay nagkatubo na ng maganda sa una mong mga tinda.

          B. Loss Leaders - Eto ay iyong mga item na benebenta mo lang ng walang tubo o minsan ay lugi pa. Ang rason nito ay, upang makahatak ka ng customer sa iyong tindahan at sila ay bibili pa ng iba mong items na dito ka kumikita. Ang estilong eto ay mainam kapag bago pa lang ang iyong store at ikaw ay gustong sumikat upang dumami ang iyong mga customer. Tandaan lang na kailangan ikaw ay may premium din na mga items upang mabawi mo ang iyong nalugi sa mga items mo na loss leaders.

         C. Psychological pricing - Eto ay makikita mo palagi sa mga malls . Halimbawa 79.95  , 99.75 . 49.80 .
Maari kang magtaka kung bakit ganun at matrabaho pa sa sukli, ngunit eto ay mabisa sa mga customer na hinahanap ang value ng kanilang pera . 
Halimbawa, hindi gaanong mamalayan ng customer na isang daan na ang kanyang bibilhin kung makikita nya ang price na 99.95.Wala pang isang daan eto. Ngunit kung tutuusin ay singko sentimos na lang at etoy maging isang daan na. 
May mga customer din na alam ang estilong eto, kaya lang,, masyadong magaan sa mata ang makita mong 99.95 na presyo kesa, buong 100 PhP.


03 Competitor-based pricing: 

Dito ay pumepresyo ka base sa iyong ka kumpetensya. 
Sa retail, hindi ka maaring magmahal pa sa iyong ka kumpetensya kung pareho lang ang iyong benebenta. 
Napaka simple lang etong intindihin, hindi ka mabilhan kung mas mahal ka sa iba na may pareho din na stak. Ugaliing magmasid o kung kinakelangan ay mag espiya ka sa iyong ka kumpetensya upang mabase mo ang iyong presyo. Maari kang bumaba pa sa benta ng iyong ka kumpetensya, depende sa purpose mo, ngunit upang hindi ka masyadong malugi, mabuting tapatan mo na lang ang benta ng sa kabila, o mas mainam na ibahin mo ang iyong brand o paninda upang makapag presyo ka nang mas makatubo.

Sa makatuwid, hindi ka makabenta at makatubo ng maayos kung meron kang kumpetensya. 


Kailangan mong humanap ng naiibang tinda upang mapresyohan mo eto ng mataas at makatubo ka ng mas mataas. 

Kinakailangan din na palaging una ka sa mga uso upang makapag skimming ka, ng sa ganun ay sumikat pa ang iyong tindahan sa pagiging trend setter sa inyong lugar.

Ang pag presyo ay hindi fixed. 

Minsan kinakailangan mo rin i evalute palagi ang iyong paninda. Kung may mahina kang stak ay kailangan tanungin ang sarili mo kung bakit, upang panatiling alam mo kung ano ang kaya ng customer at mabase mo ang iyong pagpresyo sa iyong tindahan.

Kung may hindi pa kayo naiintindihan, ay maari kayong mag komento o magtanong sa comment box sa ibaba. 

Ikinagagalak kong sagutin ang anumang gusto nyong malaman tungkol sa maliit na negosyo sa abot ng aking pag unawa.



Monday, July 15, 2013

Turo-Turo Karinderia ( Series 04 ): Small Fastfood Business Tips

Karinderia Management

Ngayong alam na natin ang mga kakailanganin sa pag sisimula ng isang Karinderia, ating talakayin ngayon ang Katapusang bahagi ng Blog Series na eto: Kung paano patakbuhin ang iyong Karinderia ng Bebenta ka nang hindi ka nalulugi.

Mga alalahanin kung paano na simulan ang pag operate ng iyong Turo-turo Karinderia:


01 Open and Closing Time


Magdecide kung anong oras bubukas at magsasara ang iyong Karinderia .
Kung mag serve ka ng almusal, ay dapat 6 AM bukas ka na at kung nag serve din ng hapunan ay dapat hanggang 8 PM ka sa gabi .
Depende sa kailangan sa  inyong lugar.
Ibig sabihin, mas maaga ka pang kikilos sa pagluto upang pagdating ng opening time ay may ma i serve ka na sa iyong customer.
I maintain na bukas ka na talaga sa oras na nakalagay hangggang sa closing time eto ay upang masanay ang iyong customer sa kung anong oras ka bubukas at hanggang kelan ka pa open.

02 Cooking  Ritual


Sa umaga, unahin ang sinaing at mainit na tubig sa thermos, sabaw katulad ng nilaga, at kahit dalawang ulam lang. Marami ang maaga pa ay gusto nang mag almusal, o mangape o magpa sabaw dahil hang-over o puyat, o gutom lang talaga.
Hindi kailangan lutuin agad lahat sa umaga, Unahin ang pang umaga muna. pananghalian, at kung kinakailangan ay magluto pa ng pahabol sa gabi.

03 Cash Sales  and Expenditure Record


Importante na may record book ka para sa iyong ginasta at kita.
Sa isang notebuk ay ilista ang lahat ng nagastos mo sa isang araw upang pag sara ng iyong tindahan ay mabalikan mo ang iyong mga gastos at kita.
Dito mo ma monitor kung kumita ka nga o hindi sa araw na yan .Wag mawalan ng pag-asa kung sa una ay hindi ka talaga kumita. Ang negosyo ay hindi palaging kita lang, Suriin ang araw araw na record upang malaman ang mga mabentang araw at mga mahinang araw. Sa mabentang mga araw ay maari kang magdagdag ng menu at sa mga mahinang araw ay controlin lang ang luto.

04 Menu Tracking

Maliban sa listahan ng pera, dapat din na may listahan ka ng mga na serve na ulam, upang makita mo kung tama ang pag serve, dehado ka o hindi, at makapag adjust ka sa mga sumusunod na araw.
Importante eto kung ikaw ay nagsisimula pa lamang dahil ,dito mo ma base ang performance ng iyong Karinderia.
Kung sa simula ay parang hindi ka kumikita, ay makahanap ka ng paraan upang mapabuti mo pa ang iyong tubo. Kung maari ay grupuhin at ipantay ang presyo ng mga linuto upang madali ang pagrecord .

05 Daily Overhead Expense

Magpalagay ka ng Overhead Expense mo sa isang araw.
Eto ay ang lahat ng gastos mo sa pagpapatakbo ng iyong tindahan sa isang araw.
Halimbawa, kuryente, tubig, sweldo ng tao, sweldo ng sarili mo, gas o uling, at kung ano pang gastos mo sa isang araw.
Ang overhead expense na eto ay idagdag mo sa gastos mo na binili katulad ng karne, gulay, isda, at kung anu pang ingredients.

05 Extra Offers

Gumawa ng ice at ice water o ice candy . Dagdag kita pa yan kung may ref ka na nga lang.
Magbenta din ng soft drinks dahil ang mga kumakain ay nag softdrinks palagi.
Magbenta na rin ng atchara, prutas, tinapay, curls, sigarilyo, kendi, load o kung anu pa na maisipan mong ilagay sa pwesto mo. Sayang din na sa iba pa bibili ang customer mo kung may mahugot na sila nang hindi na tumatayo sa pwesto mo.

06 Specialty


Mag specialize ka ng isang menu na sa palagay mo dito ka magaling upang magkaroon ng identity ang iyong Karinderia.
Halimbawa, pinakamasarap na nilaga, Bulalo ,Beef pata, o masarap na BBQ, o kung anu ang maari mong ipagmalaki sa customer mo na hindi ka madaling kalimutan at balik-balikan ka talaga.
Kung wala ka nito, ay hindi ka aangat sa iyong mga ka kumpetensya at hindi ka makilala  sa inyong Karinderia.



07 Cleanlines is a must in Food Business


Panatiliin ang pagiging malinis sa iyong tindahan.
Pagkain ang tinda mo kaya dapat lang na malinis ang pagkilos ng lahat ng tao ,mula sa pagluto, pag display at pagserve sa customer.
Kahit sa pananamit ay kailangan malinis tingnan ang mga pumapalagi sa iyong Karinderia.
Iwasan ang sigarilyo, hindi naliligo o maghubad dahil eto ay hindi kaaya ayang tingnan sa isang kainan.



08 When in Doubt , Do'nt Serve.


May mga pagkakataong may mali sa iyong luto, o nasira.
Kung mangyari eto, agad i pull out ang pagkain at h'wag nang i serve,
Hindi makabayad ang kikitain mo kung masira ka naman sa mga customer mo.
Tandaan palagi, isang pagkakamali lang ang kailangan mo upang ma turn off ang mga customer mo sa yo.
Ugaliing tikman ang linuto kada dalawang oras upang malaman ang kalagayan . Madaling masira ang pagkain pag nakatapat sa init ng araw. Ang mga lalagyan din ay dapat malinis at hindi basa upang hindi madaling masira ang pagkain. Pag may agam-agam sa natikman. Hwag na etong i serve .


09 Customer Care

Pagdating ng customer ay kailangan estimahin agad kung anu ang kinakailangan. I anticipate palagi ang hinahanap ng customer, ma pa tissue, toothpick man op baso . Kung may pagkakamali man agad humingi ng paumanhin, hwag pabayaran, palitan o bigyan nga pampalubag loob ang nagtampong customer.
Hindi mo eto kayang mawala at delikado pang magkalat ng hindi magandang estorya sa iyong Karinderia.

10 Business Money


Ang perang benta ng Karinderia ay wag mong i sama sa personal mo na pera .
Eto kadalasan ang mali ng mga nagsisimulang negosyante. Mawala ang puhunan mo pag ginagamit mo rin eto sa personal.
Iwasan na galawin ang pera at igasto sa ibang gastusin maliban nang sa Karinderia.
Disiplinahin ang sarili upang makita mo ang totoong kita ng iyong negosyo. Ugaliin din magtabi ng pera para sa kuryente at tubig upang pagdating ng bayaran ay may mahugot ka na ,na hindi mo lang namalayan.


Ang sumusunod ay simpleng halimbawa ng paglista ng isang araw na operation ng isang Karinderia:


Date:______________

Expenses:   Karne / Baboy 3 kgs -----------600
                  Isda---------------------------- 240
                  Manok------------------------- 250
                  Gulay--------------------------- 100
                  Ingredients ----------------------150
                  Rice----------------------------- 150
                  Overhead Expense-------------- 300 ( Salary , Uling ,Consumables)
                                                               _________
                                                                     1790
                 Menu                       Serving            Total
Benta :      1 Adobo  ( 30 )             12                   360
                 2 BBQ  (20)                  18                   360
                 3 Beef Steak (30)          12                    360
                 4 Fried Fish   (20)          9                      180
                 5 Fish Paksiw ( 20)        10                    200
                 6 Gulay  (20 )                12                    240
                 7 Pansit  (20 )                12                    240
                    Rice    (7)                   45                    315
                                                                  _____________
                                                                      2255
                                                                   -  1790 (expenses)
                                                                      465 Net Sales
Sa halimbawa sa itaas ay makikitang pitong menu lang ang naluto sa PhP 1500 na puhunan ( plus ng overhead na 300 )

Kumita ng 465 sa isang araw sa pagkain lang. Sa ganitong maliit na halimbawa lang y kikita ka ng aabot sa PhP 15,000 sa isang buwan at dodoble pa yun kung lalaki na ang tinda .

Hindi na nasama dun ang softdrinks at iba pang kita .
Extra kita pa yun kung may nabenta. Sa Karinderya , kikita ka ng mahigit isang daan sa isang kaha ng softdrinks.
Kung magdagdag pa ng menu, ay dodoble pa ang kita ant hindi ka na magdagdag pa ng overhead expense.
Ibig sabihin, mas lalaki pa ang kita kung marami ang menu.

Sa halimbawa din,  ay makikitang hindi naubos ang linuto ngunit tumubo na rin.
Ang mga natira ay pwede nang gawing pang konsumo sa bahay.
Menos gastos na yun sa bahay na budget kumpara nung wala ka pang tindang pagkain.

Maganda ang kita sa Karinderya at malibre na ang pagkain sa bahay . 

Hindi rin eto nawawala sa uso dahil ang lahat ng tao ay kumakain at lahat ng tao ngayon ay nagmamadali.
Mas mura sa kanila ang bumili na lamang kesa, mamalengke pa at magluto, at maghugas pa.

Kailangan lang ang desiplina sa sarili upang ma maintain na palaging angat ang negosyo.

Ang Karinderya na negosyo ay hindi nga lang pwedeng bayaan sa mga tauhan lamang.

Kinakailangan nito ang close monitoring ng may-ari upang matugunan agad kung anu man ang problema at mga concerns ng isang Karinderia.
Maari kang mag hire ng tagaluto ngunit importante na ikaw mismo na may ari ang mag manage nito upang
hands-on ka sa negosyo.


Nakatulong ba ang Blog
Series na eto?
Maari kang mag komento o magtanong sa comment box sa baba.
Aming tugunan ang kung anu pang gusto n'yong liwanagin sa pagpapalago ng inyong mga maliit na nagosyo.
Magtululungan tayo'ng alamin ang mga bagay bagay , upang maging simple ang ating buhay.


                                                               


Sunday, July 14, 2013

Turo-Turo Karinderya ( Series 03 ): Small Fastfood Business Tips

Menu Budgeting, Pricing , Portion and Serving

Ngayong alam na natin ang mga maari nating lutuin at i serve sa ating Turo-Turo Karinderya ay atin nang talakayin kung paano natin eto ebenta nang magustuhan ng customer at magka tubo din ang ating puhunan.

May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbenta ng ating mga linuto :

01 Sa inyong lugar, magkano ba ang kasalukuyang bentahan ng mga ulam at kanin?

Dahil ikaw ay nagsisimula pa lang , hindi ka dapat lumampas sa presyo ng ibang Karinderya sa inyong lugar. Mabuti ding hindi ka bababa ng todo sa price range, upang hindi ka kontrahin ng iyong mga ka kumpetensya.
Kung gusto mong humatak ng customer, ay mas gandahan lang ang iyong serbisyo o at dagdagan ang serving kung iyong makaya upang magkaroon ng mas kapansin pansin ang value ang iyong paninda.

02 Ano'ng mga nakaugaliang bilhin na pagkain ng mga tao sa inyong lugar ?

Pag malaman mo na kung ano ang paborito nilang bilhin , mabuting eto muna ang iyong i serve at magdagdag lamang ng ilang iyong bagong menu upang matikman rin nila ang ibang luto. Kung hindi nila gaanong kilala ang iyong i serve na pagkain ay manibago ang mga mamimili at maaring hindi papatok ang iyong negosyo.

03 Anong klaseng sistema ng pagluto at pag -dine ang nakasanayan ng mga tao kung sila ay bumibili ng pagkain?


Halimbawa, gusto mo ng self-service, ngunit hindi eto nakasanayan ng mga tao sa inyong lugar, ay manibago sila at malamang hindi na babalik sa iyong Karinderya. Sa luto naman, halimbawa sa pinakbet o chopsuey, kung ang nakasanayang bilhin ay hindi gaanong masarsa ay sundin mo muna eto sa simula upang masanay sila sa yiong lugar.Kung sa ibang kainan ay may sabaw na libre, ay magbigay ka na rin ng sabaw na libre upang hindi ka matalo sa kompetisyon.

04 Sino ang mga taong gusto mong maging customer (target market)?

Gusto mo bang mag benta sa mga estudyante o sa mga taong limitado lang ang budget? O gusto mong magbenta sa mga propesyonal o mga may kakayahang bumili ng mas mahal na ulam? Pumili ka lang ng natatangi mong pag focusan ng iyong negosyo.
Kung piliin mo ang mga unang grupo ay kailangan mo talagang magbenta ng mura.
Dadagsa ang iyong customer at kulangin pa ang iyong space o kahit ang iyong mga luto.
Maganda tingnan eto at palagi kang puno. 
Hindi naman papasok ang mga may kayang grupo sa yo. Kasi masikip at hindi sila komportable.
Sa ganitong sistema ay kakailangan ka ng mas  maraming katiwala, mas mabilis na galaw ay mas malaking kapital sa konting tubo. Kinakailangan dito na istrikto ka sa pag serve , sa pera upang hindi ka malugi.


Kung piliin mo naman ang mga may kayang grupo, ay maka presyo ka ng konti sa iyong tinda, ngunit hindi ganun karami ang iyong customer sa una. 
Mas malaki ang tubo kahit hindi tumpok ang customer. Hindi na nga rin lang bibili ang mga hindi makaya ang iyong paninda.
Mas komportable nga lang kumain at hindi masikip at ang mga may kaya ay siguradong dito kakain palagi.
Sa ganitong sistema, ay konti lang ang taong kailangan ngunit babawi naman sa mga gastos sa pagpakomportable ng iyong customer katulad ng kuryente, tissue, at iba pang pa sosyal sa iyong Karinderya.

Depende na rin sa iyong obserbasyon kung saan ka kikita ng sigurado. May mga lugar na bagay talaga ang mura lang, at may mga location rin na mas bagay ang medyo mahal na pagtinda.
Importante, kung saan ka kikita ay doon ka. At siguraduhin mong tutubo ang iyong pera dahil ikaw ay nagnenegosyo sa mura man o mahal na paraan na pagtinda.

Kung baguhan sa negosyong eto, ay mainam na magsampol ka muna sa ibang Karinderya upang malaman mo kung papano sila gumalaw at magserve sa kanilang customer. Suriiin mo din ang mga menu pati an presyo. Kung magkaroon ka na ng edeya kung paano patakbuhin ang kanilang negosyo ay madali mo etong masunod at mapabuti pa ang iyong Karinderya base sa iyong pagmasid masid sa iyong mga magiging kumpetensya.


Paano mag budget at presyohan ang iyong menu :

01 Isda

- Dahil pang tinda ang iyong luto, ay dapat pantay ang laki ng mga isdang bibilhin upang madali mong ma calculate ang puhunan bawat piraso . 
Halimbawa, ang kung  isang kilo ay PhP 120 at eto ay sampung piraso, ang hilaw na presyo mo bawat piraso ay sampung piso. 

As a rule, sa pagtinda ng pagkain sa karinderya , ang presyo ng benta mo sa lutong ulam ay doble sa presyo ng bawat piraso sa hilaw, dahil lutuin mo pa eto at may ibang ingredients pa at gagastos ka pa. 

Sa ating halimbawa, ang sampung piso kada piraso na hilaw na isda ay ebenta mo ng PhP 20 kada piraso, iprito mo man o paksiw o sabawan. 
Kung buong isda ang binili  ay hiwain at ganun pa rin.
Bilangin mo kung ilang hiwa ang magawa, i calculate ang presyo kada piraso sa hilaw at doblehin ang presyo sa benta mo. 
Maari mo pa etong pamahalan kung sa palagay mo ay makaya pa ng iyong mga customer ngunit isaalang alang mo din ang iyong kumpetensya. 

02 Karne

- Ganun pa rin ang sistema tulad sa isda. Mapa baboy, beef o manok man timbangin at alamin ang puhunan sa isang kilo. As a rule din sa karne, ang isang kilo ay hindi kokonti sa sampung serve pag maluto. 
Ibig sabihin, ang PhP 200 na presyo ng baboy ay pag naluto at makaserve ka ng trese ay kinse lang ang iyong puhunan sa hilaw kaya mabenta mo eto ng trenta. Kung maari, hiwain din ng pantay pantay ang karne upang mabilang mo kung ilang piraso ang isama sa isang serve . Importante na ma monitor mo talaga ang napalabas na serving. I halimbawa ko ang aming pork BBQ , sa isang kilo na PhP 200 ay makagawa kami ng 18 ka stick. Sa tag bente din ay maging PhP 360 un. Maka tubo ka ng mga PhP 100 kahit isama mo na sa punuhan ang sarsa at uling sa pag ihaw.

03 Gulay

- Malaki ang kitain mo sa gulay dahil mababa lang ng puhunan.
Maari kang magluto ng gulay na may hilaw na presyo lang na setenta pesos (50 ang gulay , 20 ang sahog ) at makapalabas ka ng sampung serve ng tag bente .
Two hundred un! Minsan ay libre pa an g tikim mo.. Je je ..
Kaya ugaliing may gulay palagi,, dahil mas makabawi ka dito kesa karne, na minsan ay hindi rin maubos .


04 Naiibang Luto 


- Maliban sa nakasanayang luto ay mag introduce ka na rin ng mga lutong ikaw lang ang nagtitinda.
Sa ganitong paraan ay pag nagustuhan ng iyong mga suki ay  babalik sila sa yo dahil ikaw lang ang may ganung luto.
Makapag presyo ka pa ng mas mahal dahil wala kang kumpetensya.
Haliimbawa nito ay relyenong bangus, kare-kare, Pusit, o  iba pang luto na hindi pangkaraniwan.



05 Kanin

-kailangan pantay pantay ang dami ng serving ng kanin. Sa Karinderya ay talagang konti lang ang isang serve ng kanin at ang presyo ay depende din sa lugar.
Kung magsimula nang mag operate ay ibase din ang presyo ng kanin sa kasakuyang benta sa inyong lugar. Meron bumebenta ng 5, may 7, 10.
Tandaan lang, sa kanin ay wala kang masyadong tubo dahil ang malaki mong tubo ay sa ulam. (Kung hindi maperfect ang pagsaing ay maraming tutong o di kaya pag hilaw o masira ay hindi mo na eto mabenta ) Kailangan ding matantya ang take out na kanin dahil kadalasan ay naparami ang lagay sa plastic kung mag serve. 
Mahilig ang Pinoy sa kalahating serve. Ang benta namin ng kanin ay seven, ngunit ang kalahati ay 4, dahil mahirap nang humanap ng bentesingko ngayon at kadalasan, ang half rice ay mas marami rin sa talagang half ng isang serve mo.
Tama ba ako ?




Ngayong alam na natin kung papano i budget ang ating mga ulam at presyohan nang tama, pag aralan naman natin kung papano na talaga patakbuhin at i manage ang isang Karinderya.

Eto ay ating talakayin sa Turo-Turo (Series 04 ) ng Blog na eto..

Almost done na tayo!



Saturday, July 13, 2013

Turo-Turo Karinderya ( Series 02 ): Small Fastfood Business Tips


"..hindi lamang pagkain ang punta sa iyo nga mga customer kundi ang pakiramdam na sila ay bahagi na ng iyong bahay habang pinupunan ang kanilang uhaw at gutom sa isang malinis na lugar ng isang kaibigan."



Ikaw ay handa nang mag karinderya.
May mga gamit ka na at mga kasangkapan upang magsimula.
Eto ay ating natutunan sa Series 01 ng blog  na eto.
Ikaw na rin ay disedido nang maging isang maliit na negosyante ng pagkain.

Uso sa atin ang Turo-turo.
Eto ay mas mabilis i serve kesa restaurant set-up na ang order ay kailangang lutuin pa.
Lahat ng tao ngayon ay nagmamadali kaya patok na negosyo ang isang Turo-turo.
Tinawag sa ganito, dahil ang iyong magustuhang ulam ay ituturo mo lamang.
Sa isang turo-turo ay kailangan marami ang pagpilian ng customer.


Ang mga sumusunod ay hindi maaring mawala kapag ikaw ay may Turo-turo Karinderya :


01 Baboy na Luto - marami kang maaring lutuin sa baboy ngunit kailangang mag start ka muna sa pinaka kilala. 
Halimbawa nito ay Adobo, Pork Chop, BBQ. Kung may sabaw naman o sarsa ay Pochero, Sinigang, o Paksiw at Afritada.
02 Karne ng Baka o Beef - mas mahal eto kesa baboy ngunit hindi mawala sa karinderya ang Beef Steak , Linaga , at Beef Caldereta


03 Isda - Prito, Inihaw, Sinigang o Paksiw

04 Manok - Sa mga bata mabenta ang manok katulad ng Fried chicken , adobo, chicken curry o tinola.




05 Gulay - Kailangan may gulay depende sa kung ano ang meron sa tindahan . Karaniwan mabenta ang monggo , Pinakbet ,  Chop Suey . Adobong Sitaw, Tortang Talong. Kailangan din magbenta ng gulay na walang karneng sahog. Eto ay hinahanap ng mga matatanda.

06 Pansit, Bijon, Sotanghon - Eto ay mura lang dahil konting sahog lang ay mabenta din sa mga gusto lang magmirienda at masarap din na ulam.

06 Iba pang Luto na maaring idagdag ay Dinuguan , Pusit , Kilawin , Bopis o kinilaw na isda.


May mga istilo upang makatipid sa lutuing ulam ngunit masarap pa rin.
Dahil eto ay negosyo, iba eto sa lutong bahay.

Eto ang ilan sa mga sekreto upang kumita ng maganda sa isang Karinderya :


01 Sa baboy, mas mura ang "maskara" o mukha ng baboy sa pamilihan. 
Karaniwan, kalahati lang ang presyo nito kesa laman ng baboy . Ihawin muna eto at linisin ng mabuti upang mawala ang natural na amoy ng baboy . 
Kailangan mo lang magpa reserve nito sa pamilihan dahil eto ay kinukulang sa stak dahil kadalasan eto rin ang ginagamit ng ibang karinderya . Magamit eto sa anumang lutong baboy at pareho din ang lasa. 
Mas mura, kaya hindi ka delikadong madehado sa iyong pag serve.

02 Sa mga masarsang luto katulad ng Beef  Steak, Caldereta o Afritada ay dapat marami ang sarsa talaga, upang pag nagserve kahit hindi gaano karami ang sahog ay marami tingnan at makapag serve ng marami ang isang lutuan.


03 Ang lahat ng may sabaw na lutuin at dapat mas marami ang sabaw kumpara sa pangbahay na luto . Natural lang, dahil mahilig humingi ng sabaw ang mga customer . Imagine mo ang , pochero mo na sa sampung serve na luto, limang serve ka pa lang ay wala nang sabaw.

04 Ang serving size ng mga linuto ay dapat pantay pantay at alam mo kung ilang serve ang dapat lumabas sa isang menu. Eto ay upang ma tantya ng taga serve ang paglagay ng ulam. Halimbawa, kung alam nya na sampung serve lang ang beef steak, ay ma udjust niya ang serving size upang hindi madehado at hindi rin mapakonti ang na serve.

05 Ang mga tirang ulam ay i recycle sa susunod na araw dahil hindi mo na eto ma serve pa ng ganun pa rin. Ok lang yun! Walang problema ,dahil ininingatan mo naman na hindi masira ng pagkain.

Halimbawa, ang natirang pritong isda, ay pwede mong gawing sweet and sour o, i "cardillo" - sabawan na may itlog . 
Ang natirang adobo, o BBQ o Fried Chicken ay maaring isahog sa pansit o Bijon o chop suey .
Ang kanin ay gawin mong " morisqueta". masahog na "calo-calo"
Sa ganitong paraan ay hindi masayang ang iyong puhunan at mapagkitaan mo pa rin.

06 Palaging tanungin ang customer kung anong gusto niyang drinks .(Wag kang magtanong kung gusto nya o hindi ) Eto ay dagdag kita pa .
Oo..tanungin mo lang kung anung gusto nya. Kadalasan, kahit walang planong uminon ay mahiya o mapilitan etong umorder na lang.. he he .. 
Hindi naman masama un. Nagtatanong ka lang . 
Umorder ka sa Jollibee o Mc Donalds at ganun din ang tinatanong sa yo.


07 Mag suggest din ng iba pang ulam sa customer nga pwede nyang iparis sa kanyang kinuhang ulam . Minsan ay na engganyo na rin ang customer na bumili kung ikaw ay marunong mag presinta ng iyong mga menu. Kailangan nakaintindi din ang taga serve ng mga linuto, upang maipaliwanag sa bumubili kung sakaling hindi niya eto nakilala at gustong tikman.. 
Menu merchandising ang tawag dito, at eto ay siguradong makadagdag kita sa iyong negosyo.



Ang pagtinda ng pagkain ay hindi pagtinda lamang ng linuto.
Eto ay extension ng kusina ng bahay ng iyong mga customer. Kaylangan madama ng iyong mga suki ang pag estima katulad ng isang kapamilya.
Sa lugar na kinakainan naman ay panatiliing malinis at madaling gumalaw ang customer. 
Maglagay ng electric fan kung mainit, mag serve ng malamig na tubig. 
Kailangang maging maaliwalas ang pakiramdam ng iyong mga suki habang kumakain.

Eto ang tinatawag na " ambiance" . 
Ibig sabihin, hindi lamang pagkain ang punta sa iyo nga mga customer kundi ang pakiramdam na sila ay bahagi na ng iyong bahay habang pinupunan ang kanilang uhaw at gutom sa isang malinis na lugar ng isang kaibigan.

Ngayon ay alam mo na ang mga menu na pwede mong ihain at kung papano i serve ang mga eto.
Puntahan na natin ngayon ang costing at pricing . Eto ay kung paano mo matantya ang iyong puhunan sa kada luto magkano ang iyong benta sa yung mga niluto na masigurado mong may kita ka maliban sa iyong puhunan.


Talakayin natin eto sa Turo-Turo Karinderya (Series 03)..
Basahin mo muna tong Series 02 muli, upang hindi mo makalimutan... Hmmm..



















Turo-Turo Karinderya ( Series 01 ): Small Fastfood Business Tips

Madali lang ang magtayo ng isang munting karinderya na mapagkitaan!



Mahilig ka bang magluto? Matao ba sa inyong lugar?
Gusto mo bang magkanegosyo  habang nasa bahay lamang ?
Madali lang ang magtayo ng isang munting karinderya na mapagkitaan!
Sa panahon ngayong maraming maliliit na negosyanteng intsik ang nagtitinda ng mga mumurahing gamit pang bahay.
Konti lang ang iyong kakailanganing puhunan upang bumili ng panimulang gamit sa iyong karinderya.
Sa simula, ay gamitin mo muna ang iyong mga gamit sa kusina katulad ng caldero, caraja at mga caserola.
Ngunit kung ikaw ay magkarinderya kailangan mo talagang bumili ng  ilang mga kasangkapan at gamit para sa bago mong negosyo.


Dahil pang karinderya, may mga nababagay na gamit para dito. 

Kakailanganin mo ang mga sumusunod  :


8 display container para sa ulam na tinda ( meron nitong bilog o pahaba )  - PhP 800
             eto ung may stand at may kristal na takip upang makita ng customer ang laman kahit sarado.

3 doz pinggan , kailangan mo eto upang hindi ka mapagod sa ka sunonod ng hugas - PhP 400
             Hindi pwede ang malapad . Maliit lang na plato, puti , pang maka save ka ng space sa kainan.

3 doz pares na kutsara at tinidor (bale 6 doz un) - PhP 300
             Kung pwede ay isang klase lang lahat upang uniform ang mga gamit.

1 doz serving spoon , stainless ang piliin, ang plastic ay di maganda tingnan sa mamantikang ulam - PhP 100

3 doz baso  - PhP 400
             mas magandang tingnan pang karinderya ang plain lang na kristal na baso para sa tubig

3 doz platito pang ulam - PhP 300
             Piliin ang maliit din at hindi malalim ang gitna, eto'y upang marami tingnan ang ulam pag nag serve.
             Eto din ang ginagamit sa extra rice.

1 doz mangkok pang linaga, batchoy,  arroz caldo, o isda - PhP 200
            Piliin and hindi malalim at malapad ang bibig

2 doz mangkok pang ulam na may sabaw ( mas maliit sa mangkok pang nilaga ) - PhP 200
             Dapat hindi rin malalim at palapad ang bibig upang kahit konti lang ang laman ay malaki tingnan.

2 doz mas maliit pang mangkok o cup pang libreng sabaw - PhP PhP 200
             Mahilig ang pinoy sa sabaw

1 water Jug - para sa common na tubig  - PhP 300

Extrang Sandok at Turner pang Prito, Kutsilyo at Peeler - PhP 300
             Kailangan mo eto kung marami nang lutuin at mapadali ang iyong kilos

Sa kagamitan lahat sa itaas ay magkailangan ka ng PhP 3,500 upang makapag simula .
Ngunit kailangan mo pang i ayos ang iyong lugar, tingnan kung me mga kainan ang iyong customer at kung me mga upuan.Ipalagay natin gagasta ka dito ng mga PhP 1,500 para sa pagpagawa.

Sa panimula ay hindi mo pa kailangang bumili ng mga gamit para dito. Maari kang magpapanday lang muna upang magawan ng mapagkainan at maupuan ang iyong mga customer.
OK lang yun, nagsisimula ka pa lamang.

Pag ikaw ay tuloy-tuloy nang nag ooperate, ay maari kang mag request sa kinukuhaan mo ng softdrink ng iba mo pang mga gagamitin. Nag aagawan pa nga sila upang maka pag exclusive ka sa kanila.
Wag kang pumuli ng brand, dahil nagsisimula ka pa lang ay kung sino ang may magandang offer ay dun ka muna.
Eto ay upang makasave ka ng gamit, marami silang ma provide mula mesa, silya, payong, signage, menu board, mantel, cooler, ref, at minsan meron ka pang freebie na softdrinkspag maganda ang iyong order.

Samantala ay mag hanap ka ng assistant sa kusina o sa pag serve.
Kahit dalawa lang o isa lang muna . At i explain u din na nagsisimula ka pa lang upang hindi sya mag expect ng mahal na sahod. Dagdagan mo naman pag full swing na ang iyong business.

Bago ka magsimula ay tanungin muna ang sarili kung buo na ang iyong loob sa pagtayo ng negosyo, dahil ang mga bibilhing gamit at hindi mo na mababawi sakaling huminto ka o mag change mind.

O..go na ba tayo??

Kung desidido ka na ay isunod na natin ang iyong menu upang masigurado mong lahat ng hinahanap ng customer na kakain ay may maibigay ka.

Eto ay ating talakayin sa Turo-turo Karinderya (Series 02) ng Blog na eto. Excited??




Saturday, July 6, 2013

Ang Tyangge ni Nanay ( My Mother's Convenience Store )

" Lahat ng kinakailangang bagay na ginagamit sa araw-araw ay tinugunan ni Nanay upang masulosyunan ang problema ng aming mga kapit-bahay."

Matao ba ang inyong lugar? 
Nahirapan ka bang mghanap ng mabilhan ng iyong araw-araw na kailangan sa bahay? 
Palagi ka bang walang ginagawa sa inyong bahay? 
Gusto mo bang kumita habang magkaroon ng libangan? 
Kung oo ang sagot mo sa lahat ng tanong na eto, ay maari mong tularan ang ginawa ng Nanay ko habang nasa bahay lamang.

Si Nanay ay isang senior citizen na. 
Sy'a ay isang retired OFW at may buwanang pension na sa kanyang SSS. 
Dalawa lamang kaming anak nya at pareho nang may pamilya sa sariling bahay katabi rin ng bahay nya. 
Ang aming Tatay ay maagang namaalam sa mundong ibabaw at sinaid na nya ang lahat ng bisyo na maaring gawin ng isang lalake habang nabubuhay. 
Ang aming lugar ay malayo sa highway na dun rin lang may mga sari-sari store.
Ang aming ginagawa noon ay palaging mag stak na pagkain at kung anu anu pang kailangan sa bahay upang madaling kumilos pag me kakailanganin sa araw-araw. 

Ngunit minsan din, ay nauubusan at bumubili pa kami sa malayong highway kung saan ang sari-sari store. 
Dahil dito ay naiisipan ni Nanay na mag-umpisa ng tyangge upang magkaroon ang aming mga kapitbahay ng bilihan ng kanilang kailangan.
Hindi na sya nagpatayo ng panibagong tyangge. 
Ginamit nya lamang ang sulok sa aming sala upang kabitan at  lagyan ng kanyang paninda.

Sa una ay biskwit, kendi at sigarilyo lamang ang tinda nya. 
Ngunit di nagtagal ay dumami ang hinahanap ng aming mga kapitbahay na kakailanganin sa araw-araw. 

Lahat ng kinakailangang bagay na ginagamit sa araw-araw ay tinugunan ni Nanay upang masulosyunan ang problema ng aming mga kapit-bahay.

Ating suriin ngayon ang mga uri ng kanyang paninda at kung papano nya eto napagkakitaan:

01 Biscuit, Tinapay  at Chucheria (mga murang curls at kakaning na repack na) - mabili sa mga bata o kahit sa mga matatanda dahil ang mga Pilipino ay mahilig ngumuya.. he he ..talaga naman!

02 Sigarilyo - All time best-seller kahit nagmahal na

03 Kape , Milo, Gatas , Energen , Asukal , Creamer , Juice sa Pack -halos lahat ay nagkakape sa umaga at nag mimirienda.

Eto lamang ang mga una nyang paninda ngunit dahil sa demand ay nagtinda na rin sya ng :

01 Retail o Na repack na gamit Pangluto - Asin, Vetsin , Cubes , Magic Sarap, Mantika, Toyo, Suka . Pati na rin ng   Kamatis , Bawang , Sibuyas na laging ginagamit ng mga Pilipino sa pagluto. Binibili nya eto ng sa gallon o container at ni repak ng tig limang piso.

02 Nagbenta na rin sya ng Itlog, Noodles , Misua , Tuyo (binibili nya ng kinilo pag tinda at nerepak ng tig bente , malaki ang tubo ), at mga de-latang pagkain, dahil kahit sa ganitong mga pagkain  lamang ay makakaluto na ng mabilisan

03 Gumawa na rin sya ng ice, ice candy, nagbenta na rin ng posporo , lighter, kandila, gaas ( palaging brown out!), sabong panlaba , pang kula , zoy, zonrox  - mga bagay na di pwedeng mawala sa kada bahay . 

04 Nagbenta na rin xa ng mga generic na gamot , para sa sakit ng tyan, sakit ng ulo, pang trangkaso, pang sipon, pang ubo (pasalamat talaga ang mga kapit-bahay )

05 Kumpleto na rin sya at may stak na xang feminine napkin, diaper, cotton buds at mga shampoo't sabon at iba pa.

Kahit maliit lang ang tindahan ni Nanay ay may mga sinusunod syang alituntunin sa kanyang tyangge:


01 Mayron syang record book na sinusulatan ng kanyang sales upang malaman nya ang kanyang kabuuang natinda sa isang araw.

02 Hindi sya nagpapautang . Minsan din ay napapakiusapan ngunit pinapabayaran nya pagkasunod na araw. Ang rason, hindi sya makapangompra muli pag hindi nabayaran ang utang, wala na silang bilhin, balik sila sa highway!

03 Mas mahal ng tinda nya kesa mga sari-sari store sa highway. Ang rason, mas malayo at mas mahal ang bagahe ng paninda kung dalhin na sa aming lugar.Naiintindihan naman ng kanyang mga customer.

04 Nilimit lang nya ang kanyang paninda sa kung ano lang ang palaging hinahanap. Ang rason, kung wala na silang pagpilian ay bibili pa rin kung nangangailangan. Sa ganito ding paraan ay madali ang pag replenish ng kanyang stak at palaging siguradong mabenta agad ang mga paninda.

05 Kung magtinda na nga lang, ay kumpletuhin na upang dito na masanay ang iyong mga customer na bumili at hindi na lilipat sa ibang tindahan kung sakaling me kumpetensya.

06 Ang kita ng kanyang tyangge ay tinatabi ny'a at hidi ginagalaw upang ipangbili ng paninda, iba sa kanyang personal na pera.

07 Hindi ako makalibre sa tyangge n'ya dahil eto ay negosyo, binabayaran ko lahat ng makuha ng anak ko sa kanyang paninda upang hindi malugi. (Minsan nilibre din nya ang kanyang mga apo.. je je )
 
Simula ng magtyangge si Nanay ay may iba rin kaming kapit-bahay na sumubok at sumunod, ngunit hindi rin eto nagtagal dahil sa kawalan ng disiplina sa sarili at sa pagsunod ng tamang proseso ng negosyo.
Sa ngayon, maliit lang ang kita ni Nanay ngunit eto ay sapat na upang masagot ang kanyang gagamitin sa araw-araw na pangangailangan.

Sa maliit na negosyo ay nagkaroon sya ng libangan, nagkaroon ng sariling kita ,nagkatubo ang pera, at nakatulong pa sa kapwa upang hindi na mahirapan pang bilhin ang kanilang mga kailangan sa malayo.


Ti..