Menu Budgeting, Pricing , Portion and Serving
Ngayong alam na natin ang mga maari nating lutuin at i serve sa ating Turo-Turo Karinderya ay atin nang talakayin kung paano natin eto ebenta nang magustuhan ng customer at magka tubo din ang ating puhunan.
May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbenta ng ating mga linuto :
01 Sa inyong lugar, magkano ba ang kasalukuyang bentahan ng mga ulam at kanin?
Dahil ikaw ay nagsisimula pa lang , hindi ka dapat lumampas sa presyo ng ibang Karinderya sa inyong lugar. Mabuti ding hindi ka bababa ng todo sa price range, upang hindi ka kontrahin ng iyong mga ka kumpetensya.
Kung gusto mong humatak ng customer, ay mas gandahan lang ang iyong serbisyo o at dagdagan ang serving kung iyong makaya upang magkaroon ng mas kapansin pansin ang value ang iyong paninda.
Kung gusto mong humatak ng customer, ay mas gandahan lang ang iyong serbisyo o at dagdagan ang serving kung iyong makaya upang magkaroon ng mas kapansin pansin ang value ang iyong paninda.
02 Ano'ng mga nakaugaliang bilhin na pagkain ng mga tao sa inyong lugar ?
Pag malaman mo na kung ano ang paborito nilang bilhin , mabuting eto muna ang iyong i serve at magdagdag lamang ng ilang iyong bagong menu upang matikman rin nila ang ibang luto. Kung hindi nila gaanong kilala ang iyong i serve na pagkain ay manibago ang mga mamimili at maaring hindi papatok ang iyong negosyo.
03 Anong klaseng sistema ng pagluto at pag -dine ang nakasanayan ng mga tao kung sila ay bumibili ng pagkain?
Halimbawa, gusto mo ng self-service, ngunit hindi eto nakasanayan ng mga tao sa inyong lugar, ay manibago sila at malamang hindi na babalik sa iyong Karinderya. Sa luto naman, halimbawa sa pinakbet o chopsuey, kung ang nakasanayang bilhin ay hindi gaanong masarsa ay sundin mo muna eto sa simula upang masanay sila sa yiong lugar.Kung sa ibang kainan ay may sabaw na libre, ay magbigay ka na rin ng sabaw na libre upang hindi ka matalo sa kompetisyon.
04 Sino ang mga taong gusto mong maging customer (target market)?
Gusto mo bang mag benta sa mga estudyante o sa mga taong limitado lang ang budget? O gusto mong magbenta sa mga propesyonal o mga may kakayahang bumili ng mas mahal na ulam? Pumili ka lang ng natatangi mong pag focusan ng iyong negosyo.
Kung piliin mo ang mga unang grupo ay kailangan mo talagang magbenta ng mura.
Dadagsa ang iyong customer at kulangin pa ang iyong space o kahit ang iyong mga luto.
Maganda tingnan eto at palagi kang puno.
Dadagsa ang iyong customer at kulangin pa ang iyong space o kahit ang iyong mga luto.
Maganda tingnan eto at palagi kang puno.
Hindi naman papasok ang mga may kayang grupo sa yo. Kasi masikip at hindi sila komportable.
Sa ganitong sistema ay kakailangan ka ng mas maraming katiwala, mas mabilis na galaw ay mas malaking kapital sa konting tubo. Kinakailangan dito na istrikto ka sa pag serve , sa pera upang hindi ka malugi.

Kung piliin mo naman ang mga may kayang grupo, ay maka presyo ka ng konti sa iyong tinda, ngunit hindi ganun karami ang iyong customer sa una.
Mas malaki ang tubo kahit hindi tumpok ang customer. Hindi na nga rin lang bibili ang mga hindi makaya ang iyong paninda.
Mas komportable nga lang kumain at hindi masikip at ang mga may kaya ay siguradong dito kakain palagi.
Sa ganitong sistema, ay konti lang ang taong kailangan ngunit babawi naman sa mga gastos sa pagpakomportable ng iyong customer katulad ng kuryente, tissue, at iba pang pa sosyal sa iyong Karinderya.

Depende na rin sa iyong obserbasyon kung saan ka kikita ng sigurado. May mga lugar na bagay talaga ang mura lang, at may mga location rin na mas bagay ang medyo mahal na pagtinda.
Importante, kung saan ka kikita ay doon ka. At siguraduhin mong tutubo ang iyong pera dahil ikaw ay nagnenegosyo sa mura man o mahal na paraan na pagtinda.
Importante, kung saan ka kikita ay doon ka. At siguraduhin mong tutubo ang iyong pera dahil ikaw ay nagnenegosyo sa mura man o mahal na paraan na pagtinda.
Kung baguhan sa negosyong eto, ay mainam na magsampol ka muna sa ibang Karinderya upang malaman mo kung papano sila gumalaw at magserve sa kanilang customer. Suriiin mo din ang mga menu pati an presyo. Kung magkaroon ka na ng edeya kung paano patakbuhin ang kanilang negosyo ay madali mo etong masunod at mapabuti pa ang iyong Karinderya base sa iyong pagmasid masid sa iyong mga magiging kumpetensya.
Paano mag budget at presyohan ang iyong menu :
- Dahil pang tinda ang iyong luto, ay dapat pantay ang laki ng mga isdang bibilhin upang madali mong ma calculate ang puhunan bawat piraso .
Halimbawa, ang kung isang kilo ay PhP 120 at eto ay sampung piraso, ang hilaw na presyo mo bawat piraso ay sampung piso.
As a rule, sa pagtinda ng pagkain sa karinderya , ang presyo ng benta mo sa lutong ulam ay doble sa presyo ng bawat piraso sa hilaw, dahil lutuin mo pa eto at may ibang ingredients pa at gagastos ka pa.
Sa ating halimbawa, ang sampung piso kada piraso na hilaw na isda ay ebenta mo ng PhP 20 kada piraso, iprito mo man o paksiw o sabawan.
Kung buong isda ang binili ay hiwain at ganun pa rin.
Bilangin mo kung ilang hiwa ang magawa, i calculate ang presyo kada piraso sa hilaw at doblehin ang presyo sa benta mo.
Bilangin mo kung ilang hiwa ang magawa, i calculate ang presyo kada piraso sa hilaw at doblehin ang presyo sa benta mo.
Maari mo pa etong pamahalan kung sa palagay mo ay makaya pa ng iyong mga customer ngunit isaalang alang mo din ang iyong kumpetensya.
- Ganun pa rin ang sistema tulad sa isda. Mapa baboy, beef o manok man timbangin at alamin ang puhunan sa isang kilo. As a rule din sa karne, ang isang kilo ay hindi kokonti sa sampung serve pag maluto.
Ibig sabihin, ang PhP 200 na presyo ng baboy ay pag naluto at makaserve ka ng trese ay kinse lang ang iyong puhunan sa hilaw kaya mabenta mo eto ng trenta. Kung maari, hiwain din ng pantay pantay ang karne upang mabilang mo kung ilang piraso ang isama sa isang serve . Importante na ma monitor mo talaga ang napalabas na serving. I halimbawa ko ang aming pork BBQ , sa isang kilo na PhP 200 ay makagawa kami ng 18 ka stick. Sa tag bente din ay maging PhP 360 un. Maka tubo ka ng mga PhP 100 kahit isama mo na sa punuhan ang sarsa at uling sa pag ihaw.
- Malaki ang kitain mo sa gulay dahil mababa lang ng puhunan.
Maari kang magluto ng gulay na may hilaw na presyo lang na setenta pesos (50 ang gulay , 20 ang sahog ) at makapalabas ka ng sampung serve ng tag bente .
Two hundred un! Minsan ay libre pa an g tikim mo.. Je je ..
Kaya ugaliing may gulay palagi,, dahil mas makabawi ka dito kesa karne, na minsan ay hindi rin maubos .

04 Naiibang Luto
- Maliban sa nakasanayang luto ay mag introduce ka na rin ng mga lutong ikaw lang ang nagtitinda.
Sa ganitong paraan ay pag nagustuhan ng iyong mga suki ay babalik sila sa yo dahil ikaw lang ang may ganung luto.
Makapag presyo ka pa ng mas mahal dahil wala kang kumpetensya.
Haliimbawa nito ay relyenong bangus, kare-kare, Pusit, o iba pang luto na hindi pangkaraniwan.
Haliimbawa nito ay relyenong bangus, kare-kare, Pusit, o iba pang luto na hindi pangkaraniwan.
-kailangan pantay pantay ang dami ng serving ng kanin. Sa Karinderya ay talagang konti lang ang isang serve ng kanin at ang presyo ay depende din sa lugar.
Kung magsimula nang mag operate ay ibase din ang presyo ng kanin sa kasakuyang benta sa inyong lugar. Meron bumebenta ng 5, may 7, 10.
Tandaan lang, sa kanin ay wala kang masyadong tubo dahil ang malaki mong tubo ay sa ulam. (Kung hindi maperfect ang pagsaing ay maraming tutong o di kaya pag hilaw o masira ay hindi mo na eto mabenta ) Kailangan ding matantya ang take out na kanin dahil kadalasan ay naparami ang lagay sa plastic kung mag serve.

Mahilig ang Pinoy sa kalahating serve. Ang benta namin ng kanin ay seven, ngunit ang kalahati ay 4, dahil mahirap nang humanap ng bentesingko ngayon at kadalasan, ang half rice ay mas marami rin sa talagang half ng isang serve mo.
Tama ba ako ?
Tama ba ako ?
Very imformtive...
ReplyDeletegaling thanks po :)
ReplyDeleteThanks po . Kasi kakaumpisa lang namin mag business ng turo turo
ReplyDeleteKung sino kaman. Salsmat po.😁
ReplyDeleteSalamat po mag start pa lang po AQ tnx po
ReplyDeleteTnx sa info... Malaking tulong sa mga newbie tulad namin...
ReplyDeletetnx poh.. sah tips malaking tulong xa skin.. soon kc gus2 q mgkron ng mini carinderia..😊
ReplyDeleteAng mga ingredients po ba hindi na isama sa costing.Paano po kung mas mahal pa ng ingredients sa karne or sa isda?
ReplyDeleteAno po ang gagawin kng hindi maubos ang ulam
ReplyDeletetnx po..soon mg uumpisa po ako ng small karenderya pg uwi ko
ReplyDeleteIto po ang hinahanap Kung sagot. Salamat detalyado po lahat.
ReplyDeleteSalamat po sa mga idea,
ReplyDeleteThank you po sa guidlines.. Hope na mg boom yong uumpisahan kong carenderia..
ReplyDeleteThanks sa info.. Marami akong natutunan.
ReplyDelete