Saturday, July 13, 2013

Turo-Turo Karinderya ( Series 02 ): Small Fastfood Business Tips


"..hindi lamang pagkain ang punta sa iyo nga mga customer kundi ang pakiramdam na sila ay bahagi na ng iyong bahay habang pinupunan ang kanilang uhaw at gutom sa isang malinis na lugar ng isang kaibigan."



Ikaw ay handa nang mag karinderya.
May mga gamit ka na at mga kasangkapan upang magsimula.
Eto ay ating natutunan sa Series 01 ng blog  na eto.
Ikaw na rin ay disedido nang maging isang maliit na negosyante ng pagkain.

Uso sa atin ang Turo-turo.
Eto ay mas mabilis i serve kesa restaurant set-up na ang order ay kailangang lutuin pa.
Lahat ng tao ngayon ay nagmamadali kaya patok na negosyo ang isang Turo-turo.
Tinawag sa ganito, dahil ang iyong magustuhang ulam ay ituturo mo lamang.
Sa isang turo-turo ay kailangan marami ang pagpilian ng customer.


Ang mga sumusunod ay hindi maaring mawala kapag ikaw ay may Turo-turo Karinderya :


01 Baboy na Luto - marami kang maaring lutuin sa baboy ngunit kailangang mag start ka muna sa pinaka kilala. 
Halimbawa nito ay Adobo, Pork Chop, BBQ. Kung may sabaw naman o sarsa ay Pochero, Sinigang, o Paksiw at Afritada.
02 Karne ng Baka o Beef - mas mahal eto kesa baboy ngunit hindi mawala sa karinderya ang Beef Steak , Linaga , at Beef Caldereta


03 Isda - Prito, Inihaw, Sinigang o Paksiw

04 Manok - Sa mga bata mabenta ang manok katulad ng Fried chicken , adobo, chicken curry o tinola.




05 Gulay - Kailangan may gulay depende sa kung ano ang meron sa tindahan . Karaniwan mabenta ang monggo , Pinakbet ,  Chop Suey . Adobong Sitaw, Tortang Talong. Kailangan din magbenta ng gulay na walang karneng sahog. Eto ay hinahanap ng mga matatanda.

06 Pansit, Bijon, Sotanghon - Eto ay mura lang dahil konting sahog lang ay mabenta din sa mga gusto lang magmirienda at masarap din na ulam.

06 Iba pang Luto na maaring idagdag ay Dinuguan , Pusit , Kilawin , Bopis o kinilaw na isda.


May mga istilo upang makatipid sa lutuing ulam ngunit masarap pa rin.
Dahil eto ay negosyo, iba eto sa lutong bahay.

Eto ang ilan sa mga sekreto upang kumita ng maganda sa isang Karinderya :


01 Sa baboy, mas mura ang "maskara" o mukha ng baboy sa pamilihan. 
Karaniwan, kalahati lang ang presyo nito kesa laman ng baboy . Ihawin muna eto at linisin ng mabuti upang mawala ang natural na amoy ng baboy . 
Kailangan mo lang magpa reserve nito sa pamilihan dahil eto ay kinukulang sa stak dahil kadalasan eto rin ang ginagamit ng ibang karinderya . Magamit eto sa anumang lutong baboy at pareho din ang lasa. 
Mas mura, kaya hindi ka delikadong madehado sa iyong pag serve.

02 Sa mga masarsang luto katulad ng Beef  Steak, Caldereta o Afritada ay dapat marami ang sarsa talaga, upang pag nagserve kahit hindi gaano karami ang sahog ay marami tingnan at makapag serve ng marami ang isang lutuan.


03 Ang lahat ng may sabaw na lutuin at dapat mas marami ang sabaw kumpara sa pangbahay na luto . Natural lang, dahil mahilig humingi ng sabaw ang mga customer . Imagine mo ang , pochero mo na sa sampung serve na luto, limang serve ka pa lang ay wala nang sabaw.

04 Ang serving size ng mga linuto ay dapat pantay pantay at alam mo kung ilang serve ang dapat lumabas sa isang menu. Eto ay upang ma tantya ng taga serve ang paglagay ng ulam. Halimbawa, kung alam nya na sampung serve lang ang beef steak, ay ma udjust niya ang serving size upang hindi madehado at hindi rin mapakonti ang na serve.

05 Ang mga tirang ulam ay i recycle sa susunod na araw dahil hindi mo na eto ma serve pa ng ganun pa rin. Ok lang yun! Walang problema ,dahil ininingatan mo naman na hindi masira ng pagkain.

Halimbawa, ang natirang pritong isda, ay pwede mong gawing sweet and sour o, i "cardillo" - sabawan na may itlog . 
Ang natirang adobo, o BBQ o Fried Chicken ay maaring isahog sa pansit o Bijon o chop suey .
Ang kanin ay gawin mong " morisqueta". masahog na "calo-calo"
Sa ganitong paraan ay hindi masayang ang iyong puhunan at mapagkitaan mo pa rin.

06 Palaging tanungin ang customer kung anong gusto niyang drinks .(Wag kang magtanong kung gusto nya o hindi ) Eto ay dagdag kita pa .
Oo..tanungin mo lang kung anung gusto nya. Kadalasan, kahit walang planong uminon ay mahiya o mapilitan etong umorder na lang.. he he .. 
Hindi naman masama un. Nagtatanong ka lang . 
Umorder ka sa Jollibee o Mc Donalds at ganun din ang tinatanong sa yo.


07 Mag suggest din ng iba pang ulam sa customer nga pwede nyang iparis sa kanyang kinuhang ulam . Minsan ay na engganyo na rin ang customer na bumili kung ikaw ay marunong mag presinta ng iyong mga menu. Kailangan nakaintindi din ang taga serve ng mga linuto, upang maipaliwanag sa bumubili kung sakaling hindi niya eto nakilala at gustong tikman.. 
Menu merchandising ang tawag dito, at eto ay siguradong makadagdag kita sa iyong negosyo.



Ang pagtinda ng pagkain ay hindi pagtinda lamang ng linuto.
Eto ay extension ng kusina ng bahay ng iyong mga customer. Kaylangan madama ng iyong mga suki ang pag estima katulad ng isang kapamilya.
Sa lugar na kinakainan naman ay panatiliing malinis at madaling gumalaw ang customer. 
Maglagay ng electric fan kung mainit, mag serve ng malamig na tubig. 
Kailangang maging maaliwalas ang pakiramdam ng iyong mga suki habang kumakain.

Eto ang tinatawag na " ambiance" . 
Ibig sabihin, hindi lamang pagkain ang punta sa iyo nga mga customer kundi ang pakiramdam na sila ay bahagi na ng iyong bahay habang pinupunan ang kanilang uhaw at gutom sa isang malinis na lugar ng isang kaibigan.

Ngayon ay alam mo na ang mga menu na pwede mong ihain at kung papano i serve ang mga eto.
Puntahan na natin ngayon ang costing at pricing . Eto ay kung paano mo matantya ang iyong puhunan sa kada luto magkano ang iyong benta sa yung mga niluto na masigurado mong may kita ka maliban sa iyong puhunan.


Talakayin natin eto sa Turo-Turo Karinderya (Series 03)..
Basahin mo muna tong Series 02 muli, upang hindi mo makalimutan... Hmmm..



















3 comments: