" Lahat ng kinakailangang bagay na ginagamit sa araw-araw ay tinugunan ni Nanay upang masulosyunan ang problema ng aming mga kapit-bahay."
Matao ba ang inyong lugar?
Nahirapan ka bang mghanap ng mabilhan ng iyong araw-araw na kailangan sa bahay?
Palagi ka bang walang ginagawa sa inyong bahay?
Gusto mo bang kumita habang magkaroon ng libangan?
Kung oo ang sagot mo sa lahat ng tanong na eto, ay maari mong tularan ang ginawa ng Nanay ko habang nasa bahay lamang.
Si Nanay ay isang senior citizen na.
Sy'a ay isang retired OFW at may buwanang pension na sa kanyang SSS.
Dalawa lamang kaming anak nya at pareho nang may pamilya sa sariling bahay katabi rin ng bahay nya.
Ang aming Tatay ay maagang namaalam sa mundong ibabaw at sinaid na nya ang lahat ng bisyo na maaring gawin ng isang lalake habang nabubuhay.
Ang aming lugar ay malayo sa highway na dun rin lang may mga sari-sari store.
Ang aming ginagawa noon ay palaging mag stak na pagkain at kung anu anu pang kailangan sa bahay upang madaling kumilos pag me kakailanganin sa araw-araw.
Ngunit minsan din, ay nauubusan at bumubili pa kami sa malayong highway kung saan ang sari-sari store.
Dahil dito ay naiisipan ni Nanay na mag-umpisa ng tyangge upang magkaroon ang aming mga kapitbahay ng bilihan ng kanilang kailangan.
Hindi na sya nagpatayo ng panibagong tyangge.
Ginamit nya lamang ang sulok sa aming sala upang kabitan at lagyan ng kanyang paninda.
Sa una ay biskwit, kendi at sigarilyo lamang ang tinda nya.
Ngunit di nagtagal ay dumami ang hinahanap ng aming mga kapitbahay na kakailanganin sa araw-araw.
Lahat ng kinakailangang bagay na ginagamit sa araw-araw ay tinugunan ni Nanay upang masulosyunan ang problema ng aming mga kapit-bahay.
Ating suriin ngayon ang mga uri ng kanyang paninda at kung papano nya eto napagkakitaan:
01 Biscuit, Tinapay at Chucheria (mga murang curls at kakaning na repack na) - mabili sa mga bata o kahit sa mga matatanda dahil ang mga Pilipino ay mahilig ngumuya.. he he ..talaga naman!
02 Sigarilyo - All time best-seller kahit nagmahal na
03 Kape , Milo, Gatas , Energen , Asukal , Creamer , Juice sa Pack -halos lahat ay nagkakape sa umaga at nag mimirienda.
Eto lamang ang mga una nyang paninda ngunit dahil sa demand ay nagtinda na rin sya ng :
01 Retail o Na repack na gamit Pangluto - Asin, Vetsin , Cubes , Magic Sarap, Mantika, Toyo, Suka . Pati na rin ng Kamatis , Bawang , Sibuyas na laging ginagamit ng mga Pilipino sa pagluto. Binibili nya eto ng sa gallon o container at ni repak ng tig limang piso.
02 Nagbenta na rin sya ng Itlog, Noodles , Misua , Tuyo (binibili nya ng kinilo pag tinda at nerepak ng tig bente , malaki ang tubo ), at mga de-latang pagkain, dahil kahit sa ganitong mga pagkain lamang ay makakaluto na ng mabilisan
03 Gumawa na rin sya ng ice, ice candy, nagbenta na rin ng posporo , lighter, kandila, gaas ( palaging brown out!), sabong panlaba , pang kula , zoy, zonrox - mga bagay na di pwedeng mawala sa kada bahay .
04 Nagbenta na rin xa ng mga generic na gamot , para sa sakit ng tyan, sakit ng ulo, pang trangkaso, pang sipon, pang ubo (pasalamat talaga ang mga kapit-bahay )
05 Kumpleto na rin sya at may stak na xang feminine napkin, diaper, cotton buds at mga shampoo't sabon at iba pa.
Kahit maliit lang ang tindahan ni Nanay ay may mga sinusunod syang alituntunin sa kanyang tyangge:
01 Mayron syang record book na sinusulatan ng kanyang sales upang malaman nya ang kanyang kabuuang natinda sa isang araw.
02 Hindi sya nagpapautang . Minsan din ay napapakiusapan ngunit pinapabayaran nya pagkasunod na araw. Ang rason, hindi sya makapangompra muli pag hindi nabayaran ang utang, wala na silang bilhin, balik sila sa highway!
03 Mas mahal ng tinda nya kesa mga sari-sari store sa highway. Ang rason, mas malayo at mas mahal ang bagahe ng paninda kung dalhin na sa aming lugar.Naiintindihan naman ng kanyang mga customer.
04 Nilimit lang nya ang kanyang paninda sa kung ano lang ang palaging hinahanap. Ang rason, kung wala na silang pagpilian ay bibili pa rin kung nangangailangan. Sa ganito ding paraan ay madali ang pag replenish ng kanyang stak at palaging siguradong mabenta agad ang mga paninda.
05 Kung magtinda na nga lang, ay kumpletuhin na upang dito na masanay ang iyong mga customer na bumili at hindi na lilipat sa ibang tindahan kung sakaling me kumpetensya.
06 Ang kita ng kanyang tyangge ay tinatabi ny'a at hidi ginagalaw upang ipangbili ng paninda, iba sa kanyang personal na pera.
07 Hindi ako makalibre sa tyangge n'ya dahil eto ay negosyo, binabayaran ko lahat ng makuha ng anak ko sa kanyang paninda upang hindi malugi. (Minsan nilibre din nya ang kanyang mga apo.. je je )
Simula ng magtyangge si Nanay ay may iba rin kaming kapit-bahay na sumubok at sumunod, ngunit hindi rin eto nagtagal dahil sa kawalan ng disiplina sa sarili at sa pagsunod ng tamang proseso ng negosyo.
Sa ngayon, maliit lang ang kita ni Nanay ngunit eto ay sapat na upang masagot ang kanyang gagamitin sa araw-araw na pangangailangan.
Sa maliit na negosyo ay nagkaroon sya ng libangan, nagkaroon ng sariling kita ,nagkatubo ang pera, at nakatulong pa sa kapwa upang hindi na mahirapan pang bilhin ang kanilang mga kailangan sa malayo.
Ti..
Kumusta, i ako ay pinangalanang MORAIDA Luna. Gusto kong gamitin ang medium na ito upang alertuhan ang lahat ng mga naghahanap ng utang upang maging napaka-ingat dahil may mga scam sa lahat ng dako. Ilang buwan na ang nakakaraan ako ay pinansiyal pilit, at dahil sa pagkawalang-taros, ako nai-scammed sa pamamagitan ng ilang online na nagpapahiram. Halos ako nawala pag-asa hanggang sa isang kaibigan ng minahan-refer ako sa isang maaasahan tagapagpahiram na tinatawag na Mrs Amanda na ninyo bang ipahiram sa akin ang isang hindi secure na pautang ng $ 53,000 sa mas mababa sa 24 na oras nang walang anumang presyon o magbigay-diin sa isang interes rate ng% 2 lamang. Ako ay kaya magulat kapag naka-check i balanse ang aking bank account at nalaman na ang halaga inilapat i para sa ay tuwid na ipinadala sa aking account nang walang anumang pagkaantala. Samakatuwid ipinangako ko sa kanya i ay pagpunta upang ibahagi ang mabuting balita sa gayon mga tao ay maaaring makakuha ng mga pautang madali nang walang anumang stress. Kaya kung ikaw ay nangangailangan ng anumang utang ng anumang uri, makipag-ugnay sa kanya sa pamamagitan ng kanyang email: amandarichardssonloanfirm@gmail.com or amandaloan@qualityservice.com.
ReplyDeleteMaaari ka ring makipag-ugnay sa akin sa aking email moraidaluna@gmail.com.
Ngayon, lahat ng gawin i ay subukan upang matugunan up sa aking pautang pagbabayad na i magpadala nang direkta sa kanyang account buwanang.
Ang una talaga ay ang disiplina sa tindahan.Lahat na papasok at lalabas na pera mula sa tindahan ay kailangan i-record para malaman kung para saan ang pera na kinuha at ano ang binili.Kailangan talaga mag-inventory.Kahit ikaw pa ang may-ari ng tindahan dapat bayaran mo.
ReplyDeletekorek ka diyan Denden!!! 😇
Delete