Monday, July 15, 2013

Turo-Turo Karinderia ( Series 04 ): Small Fastfood Business Tips

Karinderia Management

Ngayong alam na natin ang mga kakailanganin sa pag sisimula ng isang Karinderia, ating talakayin ngayon ang Katapusang bahagi ng Blog Series na eto: Kung paano patakbuhin ang iyong Karinderia ng Bebenta ka nang hindi ka nalulugi.

Mga alalahanin kung paano na simulan ang pag operate ng iyong Turo-turo Karinderia:


01 Open and Closing Time


Magdecide kung anong oras bubukas at magsasara ang iyong Karinderia .
Kung mag serve ka ng almusal, ay dapat 6 AM bukas ka na at kung nag serve din ng hapunan ay dapat hanggang 8 PM ka sa gabi .
Depende sa kailangan sa  inyong lugar.
Ibig sabihin, mas maaga ka pang kikilos sa pagluto upang pagdating ng opening time ay may ma i serve ka na sa iyong customer.
I maintain na bukas ka na talaga sa oras na nakalagay hangggang sa closing time eto ay upang masanay ang iyong customer sa kung anong oras ka bubukas at hanggang kelan ka pa open.

02 Cooking  Ritual


Sa umaga, unahin ang sinaing at mainit na tubig sa thermos, sabaw katulad ng nilaga, at kahit dalawang ulam lang. Marami ang maaga pa ay gusto nang mag almusal, o mangape o magpa sabaw dahil hang-over o puyat, o gutom lang talaga.
Hindi kailangan lutuin agad lahat sa umaga, Unahin ang pang umaga muna. pananghalian, at kung kinakailangan ay magluto pa ng pahabol sa gabi.

03 Cash Sales  and Expenditure Record


Importante na may record book ka para sa iyong ginasta at kita.
Sa isang notebuk ay ilista ang lahat ng nagastos mo sa isang araw upang pag sara ng iyong tindahan ay mabalikan mo ang iyong mga gastos at kita.
Dito mo ma monitor kung kumita ka nga o hindi sa araw na yan .Wag mawalan ng pag-asa kung sa una ay hindi ka talaga kumita. Ang negosyo ay hindi palaging kita lang, Suriin ang araw araw na record upang malaman ang mga mabentang araw at mga mahinang araw. Sa mabentang mga araw ay maari kang magdagdag ng menu at sa mga mahinang araw ay controlin lang ang luto.

04 Menu Tracking

Maliban sa listahan ng pera, dapat din na may listahan ka ng mga na serve na ulam, upang makita mo kung tama ang pag serve, dehado ka o hindi, at makapag adjust ka sa mga sumusunod na araw.
Importante eto kung ikaw ay nagsisimula pa lamang dahil ,dito mo ma base ang performance ng iyong Karinderia.
Kung sa simula ay parang hindi ka kumikita, ay makahanap ka ng paraan upang mapabuti mo pa ang iyong tubo. Kung maari ay grupuhin at ipantay ang presyo ng mga linuto upang madali ang pagrecord .

05 Daily Overhead Expense

Magpalagay ka ng Overhead Expense mo sa isang araw.
Eto ay ang lahat ng gastos mo sa pagpapatakbo ng iyong tindahan sa isang araw.
Halimbawa, kuryente, tubig, sweldo ng tao, sweldo ng sarili mo, gas o uling, at kung ano pang gastos mo sa isang araw.
Ang overhead expense na eto ay idagdag mo sa gastos mo na binili katulad ng karne, gulay, isda, at kung anu pang ingredients.

05 Extra Offers

Gumawa ng ice at ice water o ice candy . Dagdag kita pa yan kung may ref ka na nga lang.
Magbenta din ng soft drinks dahil ang mga kumakain ay nag softdrinks palagi.
Magbenta na rin ng atchara, prutas, tinapay, curls, sigarilyo, kendi, load o kung anu pa na maisipan mong ilagay sa pwesto mo. Sayang din na sa iba pa bibili ang customer mo kung may mahugot na sila nang hindi na tumatayo sa pwesto mo.

06 Specialty


Mag specialize ka ng isang menu na sa palagay mo dito ka magaling upang magkaroon ng identity ang iyong Karinderia.
Halimbawa, pinakamasarap na nilaga, Bulalo ,Beef pata, o masarap na BBQ, o kung anu ang maari mong ipagmalaki sa customer mo na hindi ka madaling kalimutan at balik-balikan ka talaga.
Kung wala ka nito, ay hindi ka aangat sa iyong mga ka kumpetensya at hindi ka makilala  sa inyong Karinderia.



07 Cleanlines is a must in Food Business


Panatiliin ang pagiging malinis sa iyong tindahan.
Pagkain ang tinda mo kaya dapat lang na malinis ang pagkilos ng lahat ng tao ,mula sa pagluto, pag display at pagserve sa customer.
Kahit sa pananamit ay kailangan malinis tingnan ang mga pumapalagi sa iyong Karinderia.
Iwasan ang sigarilyo, hindi naliligo o maghubad dahil eto ay hindi kaaya ayang tingnan sa isang kainan.



08 When in Doubt , Do'nt Serve.


May mga pagkakataong may mali sa iyong luto, o nasira.
Kung mangyari eto, agad i pull out ang pagkain at h'wag nang i serve,
Hindi makabayad ang kikitain mo kung masira ka naman sa mga customer mo.
Tandaan palagi, isang pagkakamali lang ang kailangan mo upang ma turn off ang mga customer mo sa yo.
Ugaliing tikman ang linuto kada dalawang oras upang malaman ang kalagayan . Madaling masira ang pagkain pag nakatapat sa init ng araw. Ang mga lalagyan din ay dapat malinis at hindi basa upang hindi madaling masira ang pagkain. Pag may agam-agam sa natikman. Hwag na etong i serve .


09 Customer Care

Pagdating ng customer ay kailangan estimahin agad kung anu ang kinakailangan. I anticipate palagi ang hinahanap ng customer, ma pa tissue, toothpick man op baso . Kung may pagkakamali man agad humingi ng paumanhin, hwag pabayaran, palitan o bigyan nga pampalubag loob ang nagtampong customer.
Hindi mo eto kayang mawala at delikado pang magkalat ng hindi magandang estorya sa iyong Karinderia.

10 Business Money


Ang perang benta ng Karinderia ay wag mong i sama sa personal mo na pera .
Eto kadalasan ang mali ng mga nagsisimulang negosyante. Mawala ang puhunan mo pag ginagamit mo rin eto sa personal.
Iwasan na galawin ang pera at igasto sa ibang gastusin maliban nang sa Karinderia.
Disiplinahin ang sarili upang makita mo ang totoong kita ng iyong negosyo. Ugaliin din magtabi ng pera para sa kuryente at tubig upang pagdating ng bayaran ay may mahugot ka na ,na hindi mo lang namalayan.


Ang sumusunod ay simpleng halimbawa ng paglista ng isang araw na operation ng isang Karinderia:


Date:______________

Expenses:   Karne / Baboy 3 kgs -----------600
                  Isda---------------------------- 240
                  Manok------------------------- 250
                  Gulay--------------------------- 100
                  Ingredients ----------------------150
                  Rice----------------------------- 150
                  Overhead Expense-------------- 300 ( Salary , Uling ,Consumables)
                                                               _________
                                                                     1790
                 Menu                       Serving            Total
Benta :      1 Adobo  ( 30 )             12                   360
                 2 BBQ  (20)                  18                   360
                 3 Beef Steak (30)          12                    360
                 4 Fried Fish   (20)          9                      180
                 5 Fish Paksiw ( 20)        10                    200
                 6 Gulay  (20 )                12                    240
                 7 Pansit  (20 )                12                    240
                    Rice    (7)                   45                    315
                                                                  _____________
                                                                      2255
                                                                   -  1790 (expenses)
                                                                      465 Net Sales
Sa halimbawa sa itaas ay makikitang pitong menu lang ang naluto sa PhP 1500 na puhunan ( plus ng overhead na 300 )

Kumita ng 465 sa isang araw sa pagkain lang. Sa ganitong maliit na halimbawa lang y kikita ka ng aabot sa PhP 15,000 sa isang buwan at dodoble pa yun kung lalaki na ang tinda .

Hindi na nasama dun ang softdrinks at iba pang kita .
Extra kita pa yun kung may nabenta. Sa Karinderya , kikita ka ng mahigit isang daan sa isang kaha ng softdrinks.
Kung magdagdag pa ng menu, ay dodoble pa ang kita ant hindi ka na magdagdag pa ng overhead expense.
Ibig sabihin, mas lalaki pa ang kita kung marami ang menu.

Sa halimbawa din,  ay makikitang hindi naubos ang linuto ngunit tumubo na rin.
Ang mga natira ay pwede nang gawing pang konsumo sa bahay.
Menos gastos na yun sa bahay na budget kumpara nung wala ka pang tindang pagkain.

Maganda ang kita sa Karinderya at malibre na ang pagkain sa bahay . 

Hindi rin eto nawawala sa uso dahil ang lahat ng tao ay kumakain at lahat ng tao ngayon ay nagmamadali.
Mas mura sa kanila ang bumili na lamang kesa, mamalengke pa at magluto, at maghugas pa.

Kailangan lang ang desiplina sa sarili upang ma maintain na palaging angat ang negosyo.

Ang Karinderya na negosyo ay hindi nga lang pwedeng bayaan sa mga tauhan lamang.

Kinakailangan nito ang close monitoring ng may-ari upang matugunan agad kung anu man ang problema at mga concerns ng isang Karinderia.
Maari kang mag hire ng tagaluto ngunit importante na ikaw mismo na may ari ang mag manage nito upang
hands-on ka sa negosyo.


Nakatulong ba ang Blog
Series na eto?
Maari kang mag komento o magtanong sa comment box sa baba.
Aming tugunan ang kung anu pang gusto n'yong liwanagin sa pagpapalago ng inyong mga maliit na nagosyo.
Magtululungan tayo'ng alamin ang mga bagay bagay , upang maging simple ang ating buhay.


                                                               


21 comments:

  1. Sir, paano kung wala ka sariling pwesto at mangungupahan ka lng?

    ReplyDelete
  2. Sir, paano kung wala ka sariling pwesto at mangungupahan ka lng?

    ReplyDelete
  3. Same kay dilbert ung tanong ko at dagdag lng po pagngrent ka lng ba may permit pang kailngan ?

    ReplyDelete
  4. Gusto mo ba ng negosyo na hindi mo na kailangan magrent ng pwesto?
    email mo ako sa murang kapital balik ang puhunan mo...
    delluizon@yahoo.com

    ReplyDelete
  5. magkano po ba ang panimulang puhunan at magkano ba pag nangupahan ka lng ng pwesto??

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Gusto ko na nga lang na mag negosyo kahit sa maliit na puhunan lang mag uumpisa kysa magtiis sa mukha ng bos ko na saksakan ng matapobre at mapang husga.

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. Gusto ko na nga lang na mag negosyo kahit sa maliit na puhunan lang mag uumpisa kysa magtiis sa mukha ng bos ko na saksakan ng matapobre at mapang husga.

    ReplyDelete
  10. Gusto ko na nga lang na mag negosyo kahit sa maliit na puhunan lang mag uumpisa kysa magtiis sa mukha ng bos ko na saksakan ng matapobre at mapang husga.

    ReplyDelete
  11. it helps a lot sa katulad ko walang experience pero gustong magnegosyo, thank you sir, God bless you..

    ReplyDelete
  12. Thank you po sa inyong tips.. Ang skin nman po ay uupa ako ng maliit na pwsto wlang space para sa dine in take ou lang pwede.. Kikita po ba ako sa ganyang paraan?

    ReplyDelete