Monday, June 24, 2013

Pisonet Bisnis : Instant Kita sa Natutulog na Savings

Patok ngayong panahon ang paggamit ng computer. 

Kahit sa anong bagay, mapa aralin man o libangan, ay gamit ang computer.
Halos lahat ng ng tao ay marunong mag operate nito. Naging mabilis ang mga gawain, paghahanap, at pag-aaral dahil sa computer.
Ngunit hindi lahat ng may gustong  gumamit  ay kayang bumili nito .
Dahil sa demand na eto, naging uportunidad sa mga may hilig sa negosyo ang pagtayo ng mga computer shop.

Sa karaniwang computer shop set-up, ang lahat ng unit ay nakakabit sa isang server unit. 

Ang server ay syang may kontrol sa lahat ng iba pang mga unit.
Dito mo malalaman kung gaano na katagal ang gamit ng isang customer, upang  iyong ma bill kung magkano ang kaylangan nyang bayaran.

Maari ding walang server unit . 

Pagpasok ng gustong mag computer ay magpalista muna sa bantay upang ma start na ang pagbilang ng minuto o oras ng paggamit.
Eto ay madali lamang kung ang isang shop ay may ilang unit lamang ngunit and set-up na ito ay magkaproblema sakaling magdagdag ng unit, halimbawa trenta.

Ano ang mga maaring mangyari sa server set-up at sa walang server set-up ?

01 Hindi maiwasan na tumawad sa kanyang babayaran ang gumamit ( pinoy style yan talaga )
02 Maaring utangin ng ustomer ang babayaran
03 Sa hindi server set-up, maaring i libre ng bantay ang paggamit sa kanyang mga kakilala.
04 Maari ding singilin ngunit hindi i record ang benta upang manakaw ng bantay ang pera
05 Kung marami na ang unit, mahirapan ang bantay sa pagsingil kung magsabay ang babayad at magparegister pa lang upang gumamit (dagdag mo pa kung malaki ang perang buo at kailangan pang magpabarya.

06 Ma manage lang ng maayos ang computer shop kung may-ari talaga ang babantay upang maiwasan ang losses, yun nga lang, dun na lang ang iyong oras lahat- sa pagbantay.

Solusyon sa problemang eto ay ang Pisonet Set!


Ang Pisonet set at katulad din ng karaniwang computer set-up kaya lang may nakakabit na timer at coin slot.
Tinawag etong Pisonet dahil ikaw ay makapag-internet o makapaglaro na ng piso lang ang ihulog.

Ano ang advantage ng Pisonet Set kay sa karaniwang computer shop set-up ?

01 Hindi aanadar ang unit kung hindi hulugan ng piso.
02 Mag-off ang screen ng unit pag naubos na ang time ng gumagamit.
03 Hindi na kailangan pumunta pa sa bantay bago gumamit ng computer, maliban lang kung magpabarya.
04 Hindi manakaw ang oras o pera dahil may kandado ang coin slot box, at hindi rin aadar kung hindi hulugan.
05 Kahit maliit na mga bata na hindi karaniwang pumapasok sa mga computer shop ay makagamit basta may piso lang.
06 May hatak sa customer ang Pisonet dahil walang minimum time upang gamitin, hindi katulad sa karaniwang computer shop. Mas makontrol ng custo ang gagastusin sa paggamit.
05 Kahit marami pang unit ay kayang bantayan ng tagabarya ang shop.
06 Maaring iwanan lang sa bantay ang negosyo at i check lang kung magka oras na makapunta sa shop.

Paano mapagkitaan ang pag invest sa isang Pisonet Set ?


Ang standard na Pisonet Set ay nagkakahalaga ng
PhP 14,000. (may mga mas mahal pa na modelo )
Halimbawa, ikaw ay may savings na PhP 90,000,
makabili ka na ng anim na unit.
Ang ibang pera ay gamitin sa pagpakabit ng internet at iba pang gamit sa pag network ng lahat ng mga unit.
Karaniwan, sa bilihan ng Pisonet Set ay sila na mismo ang kumakabit ng mga computer pati timer,mesa at coin slot.
Kumpleto na eto pati mga games at lahat ng programs na kailangan.
Ang isang set ay iyo na lamang isaksak at magagamit mo na agad. Kahit wala pang internet ay magamit pa rin sa mga games at pang type.

Kung mag pa internet ang plano, ay anim na unit ang minimum upang hindi ka malugi sa pagbayan ng buwanang bill ng internet, ang pinakamababa ay isang libo.


Suriin natin ang mga gastos sa pagpatakbo ng anim na unit  sa bahay lang muna upang walang renta sa pwesto, at ang tao lang sa bahay ang magbabantay ( maaring ilagay kahit saang sulok o space )

6 units                                                                       84,000
Internet Modem                                                          1,000
Router at Pagpakabit                                                   1,500
Printer ( extra business, printing )                                  2,000
Electric Fan atbp. gamit                                                1,500
                                                                            ____________
                                                                                   90,000

Mga gastos sa isang buwan:

Kuryenteng magamit sa isang unit (150 )                         900
Internet                                                                       1,000
Maintenance (Technician , Mouse, Keyboard )               500
                                                                           _____________
                                                                                    2,400

Ang karaniwang time ng isang piso ay 4 minutes = 15 / hour
Kung makaoperate ang lahat ng unit ng pitong na oras lamang sa isang araw
( minsan sobra pa dahil hanggang gabi ay may naglalaro o nagresearch )
and kada unit ay kikita ng  105 (7hrs x15) x 6 units = 630 sa isang araw minimum.
Sa isang buwan ay kikita ng  630 x 30 araw ( mas marami pa sa weekends )  = 18,900 minimun sa units lang
Sa printing, sa tag 3 per page at kung makaprint ka lang ng pinakamababa 10 pages lamang
(siguradong hihigit pa )
Tutubo ka ng 2 kada page (minus na dun ang papel at ink )
So maging 2 per page income x 10 pages minimum ay 20 kada araw x 30 araw = 600 kada buwan


Minimum sa kita sa isang buwan ay  PhP 18,900
Minimum kita sa printing                          +  600
                                                           _________
                                                             19,500
Expenses sa isang buwan                      -  2,400
                                                           _________
Tutubo sa isang buwan pinakamababa    17,100




Daig pa ang nag time deposit nyan!


Pagkalipas ng anim na buwan  ang maipon mo ay maging  17,100  x 6  = PhP 102,600!
Conservative pa na estimate yun, maari ka pang kikita ng higit pa kung mas marami ang print at magpagabi ng pag-operate.

Kung  iyong balikan:

Nabawi mo na ang iyong puhunan na PhP 90,000,
may tubo ka pa, plus ang lahat ng unit mong binili ay nandyan pa rin  na nagkakahalaga ng PhP 90,000.
Kung may emergency ka, maari mo pa rin itong ebenta ng kahit PhP 70,000 na lang ,
pag aagawan pa, dahil anim na buwan mo pa lang nagamit at may warranty pa.
( ang mga bagong units ay may one year warranty sa CPU at 3 yrs sa LED Monitor )

Dagdag pa na silbi ng Pisonet ay kung ikaw ay may sari-sari store, hindi ka na mahirapan maghanap ng barya.
Kikita ka ng halos hindi binbantayan at sa bahay mo lang .


Maari ding mag start ng kahit dalawang unit lang muna pang offline games at typing lang kung wala pang internet.
Marami pa rin ang games lang ginagamit. Kung may kasalukuyan nang internet ay mas mabuti at mapagkitaan mo pa ang binabayaran mo buwan buwan .

Kung magdecide ka na na seryosohin at magdagdag ng maraming pang unit ay wala ka nang ekstrang gastos kundi ang pa upgrade lang ng internet, dagdag sa kuryente, bantay at pwesto.

Kikita ka pa rin ng malaki.

Sigurado!



Note : Ang may akda ng post na ito ay kasalukuyang may 36 units na Pisonet Shop at gumastos ng 20 pesos sa kanyang isang unit upang gawin ang blog na eto at ibahagi sa lahat ng libre ang mga  kaalaman sa pagpatakbo ng isang maliit na negosyo.











34 comments:

  1. pisonet machine supplier for your pisonet business go to http://www.lacidapisonet.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paano poh b ang gagawin q para makakuwa na pisonet;?

      Delete
  2. for pisonet business call us at 09071891925


    -------
    Pisonet Business

    ReplyDelete
  3. Taga-Pangasinan po ako...sino po nagpapa-pisonet sharing sa inyo? Yung 60/40 ang hatian. Balak ko po sanang magpalagay dito sa amin. Text me naman po 09485112558. Salamat!

    ReplyDelete
  4. TO ALL PISONET OWNERS:
    Sino po sa inyo pwede at willing kong lagyan ng 4 na units ng PISONET . percentage ang hatian sa kita. Let us discuss. Quezon City or Caloocan Area lang po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. still available po ba. interesado po aq QC & Caloocan area po

      Delete
  5. TO ALL PISONET OWNERS:
    Sino po sa inyo pwede at willing kong lagyan ng 4 na units ng PISONET . percentage ang hatian sa kita. Let us discuss. Quezon City or Caloocan Area lang po. 09324449917

    ReplyDelete
  6. TO ALL PISONET OWNERS:
    Sino po sa inyo pwede at willing kong lagyan ng 4 na units ng PISONET . percentage ang hatian sa kita. Let us discuss. Quezon City or Caloocan Area lang po. 09324449917

    ReplyDelete
  7. TO ALL PISONET OWNERS:
    Sino po sa inyo pwede at willing kong lagyan ng 4 na units ng PISONET . percentage ang hatian sa kita. Let us discuss. Quezon City or Caloocan Area lang po. 09324449917

    ReplyDelete
  8. Inspiring Story. www.inboracay.co

    ReplyDelete
  9. Inspiring Story. www.inboracay.co

    ReplyDelete
  10. gusto ko pong mapalagay ng piso net samin.. im benson from mandaue city cebu... tnx .. text me this #09332198529

    ReplyDelete
  11. Hello, sino po sa inyo ang pwede nag papa pesonet profit sharing? mayron ako pwesto near at sm fairview kasta don ang 10-15units.ang pwesto katabi lng mismo ng kalsada. pñs let me know.thank you.itsy cell number 09154910708

    ReplyDelete
  12. gusto ko pong mag open ng 3 units na pisonet
    sa sta rosa laguna. 09422442600

    ReplyDelete
  13. thanks po sa psot na itu, bumuo po ako ng pisonet 2 units lang muna gamit po ang old laptop units ko na defective screen .. sa tingin niyo ilang percent po dapat amg mapupunta sa may ari ng pwesto ? thanks

    ReplyDelete
  14. gusto ko po mag palagay ng unit kasi po dalawa lang po ang samin meron na kami internet ..

    ReplyDelete
  15. how to avail piso net gusto ko sanang magapply im interested

    ReplyDelete
  16. plsss contact my # 09289627039

    ReplyDelete
  17. hi ask ko po hm ang 6 units ngaun ng pisonet?ksama na po ba ang internet?

    ReplyDelete
  18. hello po.ask ko lng po kung ilang percent ang ibibigay ko sa may ari ng bahay na pinag lagyan ko ng pisonet?thanks po sa sasagot.

    ReplyDelete
  19. Pang dagdag kita din po eto. https://computta.com/?ref=20583 Turn Your gaming or office Computer into a 24X7 Money Generator. This runs on background.

    ReplyDelete
  20. still available po ba? interesado po aq. pls txt /call 09209469608

    ReplyDelete
  21. Nkakainspire po ito kaso wla po akong sapat na puhunan maski sana mag start ako ng 2 units lng. Gusto kodin ng ganito.

    ReplyDelete
  22. Anong type of desktop po binibinta sa worth 14k per unit na pisonet.

    ReplyDelete
  23. IDA WHEELER PAG BIBILI AKO UNIT PISONET MAGKANO PO?

    ReplyDelete
  24. sa zamboanga ano maganda pwde statr ng negosyo po?

    ReplyDelete
  25. BAKIT HINDI MANLANG NABANGGIT SA POST ANG BUSINESS PERMIT? MAY PERMIT PO BA SHOP NYO?

    ReplyDelete
  26. Call me when you are available
    My no is 09054258387

    Am interested
    Thanks

    ReplyDelete
  27. hi mai int aq converge hm pisonet po?

    ReplyDelete
  28. Hindi po ba lugi sa pisonet kung ang 1piso ay 10mins??????

    ReplyDelete