" Wala ka nang dagdag na gastos sa renta at bantay kung ikaw ay magparami pa ng iyong paninda sa iyong store .
Mas kikita ka at madali kang makaipon ng kahit pa unti-unti . Hindi sa lahat ng oras ay mabenta ang iyong prime o flagship item. "
Halimbawa nito pag benta ng puro tsinelas lamang , o puro damit pangbabae lamang , o puro sunglass lamang, o puro toys lamang .
Layunin nito ay upang magkaroon ng pagpakilala sa iyong tindahan at ipinapalagay mo na ikaw ay balik-balikan kung matandaan ang iyong store.
Sa principle ng pagnenegosyo eto ay tama. Ngunit hindi eto ma-aaply sa lahat ng pagkakataon .
Sa pampublikong tindahan o flea market na setting , at sa Pilipinong ugali ng pamimili, lalo na sa malilit na negosyo, minsan ay hindi eto gaanong mapagkitaan, maliban lang sa establisado at malaking mga negosyo.
Una, dahil, halos lahat ng paninda ngayon ay may kumpetensya , at pangalawa , dahil halos lahat ng tao ngayon ay nagmamadali.
Ibig sabihin, sa tindahan na setting, mainam na magkaroon ng niche market , ang pagtinda ng piling items na magbigay ng identity sa iyong tindahan ngunit mas kikita ka pa rin kung dagdagan mo ng ibang paninda na maari mong ilagay sa iyong store.Saang Aspeto at Paano Magstak sa Store at Magdisplay Nang Mas Mabenta :
01 Murang Items na Idagdag sa Prime Stocks
Halimbawa ikaw ay nagbebenta nga mga imported na RTW, meron kang kontak abroad at nagpapadala sa yo . Natural na meron ka ring suki sa mga mamahalin mong paninda.
Ngunit hindi araw-araw yun, at merong pumapasok na customer na nagustuhan ang iyong mga paninda ngunit hindi talaga kaya ng kanilang bulsa.
Ang pagkakataon na pumasok sila sa iyong tindahan, ngunit hindi rin sila nakabili ay sayang.
Kung meron kang paninda na mas makaya nila ay malaki ang tsansa na ikaw ay makabenta sana.
Minsan nga, mas madalas pa ngang mabenta ang mas mura mong tinda kesa mga mahal mong items. Mabuting ikaw ay may prime items na paninda ngunit walang mawawala sa yo kung may abot kaya kang items kung magkasya rin lang sa iyong store.
Mura lang ang kapital, at madaling mabenta .

02 Prime Items na idagdag sa mumurahing stak
Eto naman ay kabaliktaran ng sa number one.
Halimbawa ikaw ay nagbebenta ng mga mumurahing sunglasses, o mga accessories. Maari kang magdagdag ng ilang mamahaling stak para kung me customer ka na gusto ng mas mahal o di kaya magpasikat sa kasama o girlfriend ay makabenta ka ng mas mahal .
Hindi kailangan mas mahal ang kapital ng item na idagdag mo. Kinakailangan lang na naiiba at pwedeng etong mapresyohan .
Kahit hindi eto gaanong mabenta, ay makabawi ka naman pag eto ay madispose na .
Tandaan mo na hindi lahat ng tao ay mura ang gustong bilhin, meron pa ngang kung anu ang pinakamahal yun pa ang gusto.

03 Kumpletohin ang Price range sa mga patok na bilihin
Sa mga items na mabenta, ay damihan ang klase, upang marami ang pagpilian base sa presyo .Halimbawa sa toy gun, o pellet gun , magbenta ng mula sa pinaka mura, hanggang sa pinakamahal ,upang kahit magkano ang budget ng customer ay siguradong makabili sila na walang kawala kung pellet gun din lang ang gusto. Sa ganitong pag stak, ay masiguro mo na lahat ng klase ng bugdet meron ang iyong customer ay matumbok mo .
Kontrolin lang ang stak na hindi gaano karami at malito ang customer. Sa isang item na mabenta, mga apat na pagpilian ay OK na, mula mura hanggang sa maganda na may kamahalan.
Hindi naman lahat ng paninda mo ay ganito. Gawin mo lang eto sa mga uso lang at mga mabentang mga stak
04 Magbenta ng Related Item sa iyong flagship item
Ang Flagship Item mo ay ang binabalikan ng mga tao sa iyong store. Halimbawa, cakes. Ikaw ay gumagawa ng cakes at kilala ang store mo dito . Dahil kadalasan ang cake ay binibili pag may birthday , mas mabuting meron ka na ring mga pang birthday na paninda .Magsimula ka sa mga baloons, birthday hat , loot bag, maliit na toys pang give away , o iba pang mga pang party na maisipan mo. Pag ikaw ay may tindang ganito, ang mga magpapagawa sa iyo ng cakes ay madali mong mahikayat na sa iyo na bumuli ng iba pa nilang kailangan. Kadalasan din ay tamad na ang mga taong humanap pa ng ibang mabilhan kaya mas mabuting maging one stop party shop ka na. Masimula lang muna sa mga mumurahing items hanggang sa dumami ang iyong madagdag na paninda.
Kung kaya ng budget mo ay magbenta ka na rin ng mga bag o mga school uniforms nang sa ganun ay kahit wala silang pera ay malaman nilang meron ka at pag nagka budget na ay sa iyo na sila bibili.
Kahit mga gamit sa boarding haus o sa bahay ay pwede ka na ring magbenta, katulad ng sepilyo, towelette , habonera , o kahit hanger at ipit sa sampayan.
Ang ibig lamang sabihin, ay kahit ikaw ay may target market o niche market na tinatawag , ay maari ka pa ring magbenta ng iba pang mga items na sa palagay mo ay makadagdag ng iyong kita sa araw-araw , Tandaan mo lamang na ikaw ay nag nenegosyo.
Wala ka nang dagdag na gastos sa renta at bantay kung ikaw ay magparami pa ng iyong paninda sa iyong store . Mas kikita ka at madali kang makaipon ng kahit pa unti-unti . Hindi sa lahat ng oras ay mabenta ang iyong prime o flagship item.
Tandaan na sa araw-araw ikaw ay gumagastos kaya dapat makita mo eto sa kahit anong paraan.
05 Magdagdag ng Ibang items na maaring ding bilhin ng iyong target market
Ang target market ay ang iyong focus kung sino ang maari mong bentahan ng iyong mga paninda. Halimbawa, ikaw ay bumebenta ng mga school supplies , ang iyong target market ay mga estudyante. Dahil estudyante ang palaging pumapasok sa iyong tindahan ay bumenta ka na rin nga mga bagay na magugustuhan nila katulad ng mga accessories o abubot , mga usong trinkets na gusto ng mga maarteng estudyante.Kung kaya ng budget mo ay magbenta ka na rin ng mga bag o mga school uniforms nang sa ganun ay kahit wala silang pera ay malaman nilang meron ka at pag nagka budget na ay sa iyo na sila bibili.