Paano mo presyohan ang iyong mga paninda upang eto ay papatok sa bentahan at hindi ka rin nalulugi?
Sa Mundo ng Retail, o pagbenta ng tingi, mahalagang ma presyohan nang tama ang iyong mga ititinda. Kun hindi, ay maaring hindi ka rin kumita at hihina ang benta ng iyong paninda dahil mahal ang iyong presyo, o mabenta naman ngunit hindi ka naman kumukita dahil lugi ka sa iyong pag presyo.
Eto ang Tatlong paraan kung papano kumita sa wastong pag presyo ng iyong mga paninda .
01 Cost-based pricing:
Eto ay ang pag presyo base sa pag suma ng capital ng tinda, lahat ng ginastos upang bilhin ang paninda at ang iyong patong o mark up upang tumubo.
Halimbawa :
Item - - - - - - - - - 50 pcs (2500) = 50 kada piraso
Bagahe----------- 200 / 50 pcs = 4 kada piraso
Patong (halimbawa 40 % ) = 21 kada piraso
____________
Ang iyong Retail Price ay 75 kada piraso
Sa ganitong paraan, ay madali mong masuma ang iyong kita dahil alam mo kung magkano ang iyong ipinatong na tubo.
Minsan lang naging dis advantage eto kung ikaw ay may kumpetensia at mas mababa pa ang benta kesa benta mo.
Hindi ka rin maka presyo ng pareparehong percentage ng tubo ( sa halimbawa 40% ) sa lahat ng iyong tinda dahil iba-iba din ang bilis at hina ng bilihan bawat item.
02 Customer-based pricing:
Eto ay ang pag presyo ng iyong paninda, base sa makaya ng bulsa ng iyong mamimili. Depende eto sa iyong target market at lugar . May mga lugar na maari kang magbenta nang mahal, ngunit meron din na mura lang ang makaya ng iyong mga customer.
May ilang mga estilo upang gawin eto:
A. Skimming - eto ay ang pag presyo ng iyong paninda ng mahal dahil wala pa eto sa iyong mga kumpetensya. Ikaw ang naka una.
Eto ay ma apply mo sa mga bagong uso.
Handang bumili ang mga customer pag bago pa lang sa pamilihan.
Halimbawa , base sa iyong cost based pricing na 40 % lang ay 75 lang ang iyong benta, maari mo etong maibenta ng kahit higit pa sa 100 depende sa item at handang bayaran ng customer.
Tinatawag etong skimming dahil, sa oras na dumami na ang nagtitinda ng iyong paninda ay maari ka nang bumaba ng bumaba hanggang sa makaya mo ngunit ikaw ay nagkatubo na ng maganda sa una mong mga tinda.
B. Loss Leaders - Eto ay iyong mga item na benebenta mo lang ng walang tubo o minsan ay lugi pa. Ang rason nito ay, upang makahatak ka ng customer sa iyong tindahan at sila ay bibili pa ng iba mong items na dito ka kumikita. Ang estilong eto ay mainam kapag bago pa lang ang iyong store at ikaw ay gustong sumikat upang dumami ang iyong mga customer. Tandaan lang na kailangan ikaw ay may premium din na mga items upang mabawi mo ang iyong nalugi sa mga items mo na loss leaders.
C. Psychological pricing - Eto ay makikita mo palagi sa mga malls . Halimbawa 79.95 , 99.75 . 49.80 .
Maari kang magtaka kung bakit ganun at matrabaho pa sa sukli, ngunit eto ay mabisa sa mga customer na hinahanap ang value ng kanilang pera .
Halimbawa, hindi gaanong mamalayan ng customer na isang daan na ang kanyang bibilhin kung makikita nya ang price na 99.95.Wala pang isang daan eto. Ngunit kung tutuusin ay singko sentimos na lang at etoy maging isang daan na.
May mga customer din na alam ang estilong eto, kaya lang,, masyadong magaan sa mata ang makita mong 99.95 na presyo kesa, buong 100 PhP.
03 Competitor-based pricing:
Dito ay pumepresyo ka base sa iyong ka kumpetensya.
Sa retail, hindi ka maaring magmahal pa sa iyong ka kumpetensya kung pareho lang ang iyong benebenta.
Napaka simple lang etong intindihin, hindi ka mabilhan kung mas mahal ka sa iba na may pareho din na stak. Ugaliing magmasid o kung kinakelangan ay mag espiya ka sa iyong ka kumpetensya upang mabase mo ang iyong presyo. Maari kang bumaba pa sa benta ng iyong ka kumpetensya, depende sa purpose mo, ngunit upang hindi ka masyadong malugi, mabuting tapatan mo na lang ang benta ng sa kabila, o mas mainam na ibahin mo ang iyong brand o paninda upang makapag presyo ka nang mas makatubo.
Sa makatuwid, hindi ka makabenta at makatubo ng maayos kung meron kang kumpetensya.
Kailangan mong humanap ng naiibang tinda upang mapresyohan mo eto ng mataas at makatubo ka ng mas mataas.
Kinakailangan din na palaging una ka sa mga uso upang makapag skimming ka, ng sa ganun ay sumikat pa ang iyong tindahan sa pagiging trend setter sa inyong lugar.
Ang pag presyo ay hindi fixed.
Minsan kinakailangan mo rin i evalute palagi ang iyong paninda. Kung may mahina kang stak ay kailangan tanungin ang sarili mo kung bakit, upang panatiling alam mo kung ano ang kaya ng customer at mabase mo ang iyong pagpresyo sa iyong tindahan.